29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Gatchalian naglunsad ng Mental Health Caravan 

- Advertisement -
- Advertisement -

“NAIS nating ipaalala sa ating mga mag-aaral na kung may pinagdaraanan man sila pagdating sa kanilang mental health, hindi nila kailangang pasanin ito nang mag-isa. Maaari silang humingi ng tulong at may magagawa sila upang malampasan ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap,” ayon kay Senador Win Gatchalian, kasunod ng paglulunsad ng isang caravan na naglalayong itaguyod ang kamalayan sa mental health ng mga mag-aaral.

 

Ang mental health caravan na pinamagatang “Tara, Usap! G?” ay sumusuporta sa pagpapatupad ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act (Republic Act No. 12080), na isinulat at itinaguyod ni Gatchalian. Nabuo ang “Tara, Usap! G?” sa pakikipagtulungan ng Balik Kalipay Center for Psychosocial Response, PETA Lingap Sining, and Youth for Mental Health Coalition.

 

Gagamitin ng caravan ang forum theatre na paraan kung saan tampok ang pagtatanghal ng Philippine Educational Theatre Association (PETA) na sesentro sa mga pinagdadaanan ng mga mag-aaral sa kanilang seguridad at mental health.

 

“Mayroon na tayong batas upang itaguyod ang mental health. Ngunit makakamit lamang natin ang layuning matulungan ang mga mag-aaral kung sama-sama tayong magtutulungan,” dagdag pa ni Gatchalian.

 

Layon ng Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act na bumuo ng School-Based Mental Health Program na nagmamandato ng pagtatatag ng mga Care Center sa mga pampublikong paaralan. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -