HINIMOK ni Senador Alan Peter Cayetano nitong Huwebes ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan (SK) mula Taguig na mag-pokus sa paglikha ng right environment para sa kabataan.
Aniya, ito ang susi upang mailayo sila sa masasamang bisyo at impluwensya.
“Trabaho niyo sa SK is to create the right environment para ang youth natin ay hindi maligaw ng landas,” sabi ni Cayetano sa SK benchmarking event nitong August 21, 2025.
Ipinaliwanag niya na mahalaga ang pagbibigay ng mga oportunidad at programa tulad ng sports, scholarship, at community centers upang mailayo ang kabataan sa droga at pagsusugal.
“Ang hirap sabihin sa bata, ‘huwag ka mag-drugs’ tapos wala kang programa. So while we tell them, ‘huwag ka mag-drugs, may scholarship tayo para mag-aral, may youth centers tayo’ where they can go to, where they can have activities, may sports facilities so that they can do that. We have to create that environment,” sabi niya.
Sinab rin ni Cayetano na ang tao ay uunlad at magtatagumpay lamang kung mailalagay sa tamang soil at environment.
Binigyang diin niya na napakahalaga ng environment sa paghubog ng asal ng tao at pinaalalahanan ang mga SK leader na malaki ang kanilang responsibilidad.
“You owe it to them to be a good seed in a good environment and you owe it to them to provide that environment so that they have all the chances to succeed,” aniya.
Hinimok din niya ang youth leaders na magplano ng mga programang may long-term effect sa kanilang komunidad.
“Napakasarap tulungan y’ung tumutulong sa kanilang sarili. It’s not about the fans, it’s not about yung laki ng barangay ninyo… It’s about your initiative, about your vision, about your purpose,” sabi ng senador.



