30.1 C
Manila
Martes, Hunyo 16, 2026

Sen Raffy sa DA hearing: Saan napupunta ang budget para sa dryers? Kinurakot na ba?

- Advertisement -
- Advertisement -

KINUWESTIYON ni Sen. Raffy Tulfo ang Department of Agriculture (DA) at Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) kung saan napupunta ang budget para sa dryers mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

Sa hearing ng Senate Committee on Agriculture nitong Agusto 27, napag-alaman ni Sen. Raffy na 22,000 dryers ang kailangan ng bansa ngunit 440 pa lamang ang nabibili. Aminado naman ang PhilMech sa naging pagkukulang nila.

“Kapag pumunta kayo ng probinsya, makikita niyo tuwing anihan, umaabot sa dalawa, tatlong kilometro ng palay ang ibinibilad ng mga magsasaka sa kalsada dahil wala silang dryers,” saad niya.

“Saan napupunta ang budget para sa dryers? Kinurakot na ba?” dagdag pa niya.

Sinabi ni Sen. Raffy na malaki ang budget sa post harvest technology ngunit laganap pa rin ang kawalan ng dryers nationwide para sa mga magsasaka partikular na sa rice producing provinces sa bansa na nagreresulta sa kanilang pagkalugi dahil kapag basa ang mga palay ay napipilitan silang ibenta ito sa mas mababang halaga.

Gayunpaman, nangako naman si PhilMech Director Dr. Dionisio Alvinda na bibigyan nilang prayopridad ang pagbili ng mga dryers sa second phase ng RCEF finanacial aid.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -