29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Gatchalian nanawagan ng policy intervention para pagaanin ang epekto ng 19% US tariff sa exports ng Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian para sa angkop na mga policy interventions na kinakailangan upang pagaanin ang masamang epekto ng pagpapataw ng Estados Unidos ng 19% na reciprocal tariff sa mga export products ng Pilipinas.

“Dapat nating tingnan ang mga posibleng policy interventions upang matulungan ang mga mawawalan ng trabaho,” sabi ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance, sa isang pagdinig ng Senado na pinangunahan ng Committee on Economic Affairs tungkol sa epekto ng reciprocal tariffs ng Estados Unidos.

Aniya, ang mga manggagawa mula sa ibang US-exporting industries ay nawawalan na ng trabaho isang buwan pa lamang matapos ang anunsyo ng reciprocal tariff.

Sinabi ni Gatchalian na muli niyang ihahain ang isang resolusyon na naglalayong tukuyin nang detalyado ang epekto ng reciprocal tariffs ng U.S. Layon ng resolusyon, na una na niyang inihain noong nakaraang 19th Congress, na tukuyin ang mga posibleng hadlang sa supply chain at ang posibleng pag-alis ng mga manufacturer na gustong iwasan ang mga taripa.

“Kailangan nating makita ang buong epekto ng reciprocal tariffs para makagawa ng mga polisiya na tutulong sa mga maaapektuhang sektor at mawawalan ng trabaho,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -