
IGINAWAD ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Order of Sikatuna, Grand Cross (Datu), Gold Distinction kina Ambassador Antonio Manuel Lagdameo at Ambassador-designate Bernadette Therese Fernandez para sa kanilang natatanging kontribusyon sa foreign service.

Pinarangalan si Ambassador Lagdameo para sa kanyang serbisyo bilang Permanent Representative ng Pilipinas sa UN at sa pagpapatibay ng ugnayan sa ibang bansa.

Si Ambassador Fernandez naman ay kinilala sa kanyang pagsulong ng foreign policy, pagtulong sa mga Pilipino abroad, at pamumuno sa repatriation sa panahon ng pandemya.




