26.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Cayetano, minorya kwinestiyon ang pagbago ni Sotto sa custody rules ni Brice Hernandez

- Advertisement -
- Advertisement -

KWINESTIYON ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang desisyon ni Senate President Vicente Sotto III na ilipat ang kustodiya ni ex-Bulacan DPWH Engineer Brice Hernandez sa Philippine National Police (PNP) mula Senado nang hindi kinokonsulta ang mga senador.

Sa plenary session nitong Miyerkules, hindi pumayag ang Minority Leader na basta-bastang mag-“change rules” tungkol sa kustodiya ng mga witness nito dahil integridad aniya ng Senado ang nakataya rito.

“I don’t think we should change rules without doing it either in caucus or as a group. Shouldn’t we keep the old rule na kung sino may custody, ‘yan ang mag-keep ng custody niya?” giit niya.

Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong September 8 tungkol sa flood control projects, na-cite in contempt si Hernandez at dinetine sa Senado. Kinagabihan, nag-request ang Kamara na padaluhin si Hernandez sa kanilang sariling imbestigasyon.

Sa pagdinig ng Kamara, humiling si Hernandez na huwag na siyang ibalik sa Senado. Sumulat naman ang Kamara, sa ilalim ni Speaker Martin Romualdez, kay Sotto na ilagak na lang sa PNP Custodial Center sa Camp Crame si Hernandez imbes na ibalik sa Senate si Hernandez — na pinayagan naman ni Sotto.

Giit ni Cayetano, hindi dapat kung sinu-sino ang nasunod sa pagdadalhan kay Hernandez kundi ang Senado na siyang may kustodiya sa kaniya.

“Since this involves high ranking people and the PNP is not under the Senate, it creates another perception of who controls who,” wika niya.

Aniya, bagama’t nirerespeto niya ang “wisdom” ni Sotto bilang Senate President, dapat daw ay isinaalang-alang nito ang magiging perception o dating sa publiko ng paglipat kay Hernandez.

Sa ginawang paglagak kasi kay Hernandez sa PNP Custodial Center imbes na sa Senado, tila pinatotohanan tuloy ang paratang nito na tinatakot nga siya ng mga senador.

“May perception tuloy that by not having him back here, eh baka nga totoong ini-impluwensyahan natin… ‘Yan ang impression ngayon [ng publiko], which I think is unfair to all of us,” aniya.

“The issue here is not only the physical and the legal custody. The issue also is the integrity of the Senate. Labanan ngayon ng perception,” sabi pa ng Minority Leader.

“Na-disrupt y’ung sistema ng corruption. Pero ang ginagawa pabalik ng mga corrupt, dini-disrupt din tayo. Dini-disrupt din ang pag-investigate,” dagdag niya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -