31.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 13, 2026

Sen Raffy, ibinunyag depektibong ₱657-M Gensan Underpass Project Vicente Lao Construction

- Advertisement -
- Advertisement -

KINUWESTIYON ni Committee on Public Services Chairperson Sen. Idol Raffy ang palpak na construction ng ₱657-milyong Mabuhay Underpass National Highway project sa General Santos City, na na-award sa Vicente T. Lao Construction.

Sa kanyang privilege speech kahapon, September 16, ibinunyag ni Tulfo na ang proyekto na sinimulan noong Hunyo 23, 2022 at nakatakdang matapos sana noong Setyembre 2024, ay palpak at hindi pa rin tapos.

“Isa sa talagang nakaka-bahala na reklamong tinugon sa akin ay ang Mabuhay Underpass National Highway sa Gen. Santos City,” aniya.

Ibinahagi ni Tulfo na batay sa site visits at reklamo ng mga mamamayan, nagkaroon ng ilang buwang pagkaantala, mali-maling pagkakaayos ng column bases, hindi pantay na kalsada, nakakalat na materyales, at mapanganib na daanan.

“According to the people of GenSan, the traffic they experienced was really due to poor traffic management. Therefore, the underpass was actually unnecessary. Hindi talaga pinagisipan ang project na ito,” aniya.

Dagdag pa niya: “Sa katunayan, sabi ng proponent ng proyekto, pinalagyan niya ng LED walls ang underpass dahil gusto niya itong maging tourist destination. Kung ano-ano talaga ang naiisip ng mga tao kapag hindi nila pera ang ginagastos.”

Iginiit ni Sen. Raffy na ito ay higit pa sa isang delayed project dahil naging “economic and social disaster” na ito.

Binanggit din ng senador mula Isabela at Davao ang depektibong kalagayan ng underpass, na ayon sa mga residente ay parang fishpond na dahil sa patuloy na pagpasok ng tubig kahit walang ulan. Sinabi rin niya na ang mga bukas na lane ay puno na ng malalalim na lubak, kaya lalong lumalala ang trapik sa lugar.

Batay sa mga dokumento ng DPWH, tinukoy ni Tulfo na ang Vicente Lao Construction ay pang-apat lamang sa pinakamababang bidder mula sa limang kalahok. Kaya nagtataka siya kung bakit sa kabila nito ay na-award sa kanila ang proyekto sa ilalim ng Resolution No. 2022-03 na nilagdaan ng ilang opisyal ng DPWH, kabilang sina Edgardo Garces, OIC assistant director; Atty. Michael Villafranca, director, Human Resource Administrative Service; Ernesto Gregorio Jr., director, Bureau of Maintenance; Alex Bote, director, Public-Private Partnership Service; Aristarco Doroy, director, Bureau of Construction; at Wilfredo Mallari, assistant secretary for Regional Operations in NCR.

“Ang nasabing contractor ay may apat na on-going project na may negative slippage. Ibig sabihin, delayed. Pero binigay pa din ito sa nasabing contractor dahil di umano ang mga negative slippage ay hindi naman daw kasalanan ng kontraktor.

“Walang malinaw na paliwanag kung ano itong mga slippage na ito. Pero ang pag-award ng proyektong nagkakahalagang P657 Million ay di na dapat binibigay sa mga ganitong contractor,” saad niya.

Nakatakdang magsagawa ng Senate hearing ang senador sa Huwebes, Setyembre 18, upang imbestigahan ang isyung ito.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -