29 C
Manila
Sabado, Hunyo 13, 2026

Gatchalian sa Judiciary: Mabilis na pagresolba ng kaso susi sa pagpapanumbalik ng tiwala ng publiko, paglaban sa korapsyon

- Advertisement -
- Advertisement -

IPINANGAKO ni Senador Win Gatchalian ang kinakailangang suporta sa pondo ng hudikatura upang matulungan ang mga korte na pabilisin ang pagresolba ng mga kaso at maibalik ang tiwala ng publiko sa gitna ng dumaraming opisyal ng gobyerno na nasasangkot sa mga kaso ng korapsyon.

“Gusto ng Committee on Finance na tiyakin na ang mga korte at iba’t ibang antas ng hudikatura ay may sapat na pondo at mga gamit para mas mabilis na maresolba ang mga kaso upang makapagbigay ng katarungan,” sabi ni Gatchalian, chairman ng komite, sa isang pagdinig hinggil sa panukalang pondo ng hudikatura para sa 2026.

“Ang aming trabaho ay tiyakin na ang pondo ay magagamit sa mga bagay na magpapataas ng kahusayan ng hudikatura. Iyan lang ang paraan para maibalik ang tiwala ng ating mga kababayan sa gobyerno,” dagdag niya.

Hinikayat din ng senador ang hudikatura na bumuo ng isang roadmap na magbibigay-daan sa mga korte upang mahusay na pamahalaan ang pagresolba ng mga kaso, at sinabing sa bawat isang hukom ay may average na bilang ng kaso na umaabot sa 291. Ang panukalang pondo ng hudikatura para sa 2026 sa ilalim ng national expenditure program ay may kabuuang P64.013 bilyon.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -