TINATAYA ng mga ministro na kasapi ng APEC na malaki ang potensyal ng rehiyon sa Asya Pacifico sa pagbubungkal ng industriya na mga malikhaing obra dahil namumuhay sa rehiyonang nagkakaiba at sari saring kultura. Bunga nito makapag-aambag ang industriya ng mga malikhaing obra hindi lamang sapagsusulong at pagpapaunlad ng iba’t ibang kultura sa rehiyonngunit pati na rin paglikha ng empleyo sa lumalaking hukbongpaggawa at sa patuloy na paglaking ekonomiko.
Ang potensyal ng Pilipinas pagpapalawak ng industriyang ito ay nakaugat sa husay ng mga Filipino sa pagsusulat ng mga script sa pelikula, pagganap sa mga dula at pelikula at sa paglikha ng mga telenovela na pinapanood sa loob at labas ng bansa. Kilalarin ang mga Filipino sa larangan ng musika hindi lamang sa pag–awit ngunit sa pagtugtog ng iba’t ibang pangmusikanginstrumento sa mga banda at orkestra maging sa klasikal o modernong estilo bago pa sumiklab ang WWII.
Ang pagbubungkal at pagpapatupad ng potensyal ng Pilipinasindustriya ng mga malikhaing obra ay hindi lamang nakasalalaysa dami at kalidad ng mga yamang tao ngunit sa capital o teknolohiyang ginagamit sa produksiyon, ang lakas ng industriya, ang suporta ng pamahalaan.
Ang kakayahan ng Pilipinas na bungkalin ang industriya ng mgamalikhaing obra ay nakaugat din sa maraming programa sa mgakolehiyo at unibersidad sa buong bansa na nagproprodyus ng mga mahuhusay na arkitekto, pintor, artista sa multimedia, manunulat, mang-aawit, piyanista, viyolinista, at iba pang profesyon sa malalaya at magagandang sining. Ponto
Sa larangan ng capital at imprastruktura, nakatutulong din angmga makabagong tanghalan ng mga malalaking casino at hotel na magagamit hindi lamang sa mga conferensya ngunit sa mga konsiyerto sa awitan at pagtugtog at sa pagtatanghal ng mga dula.

