30.6 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Sen Pangilinan sa ICI: Kailangang buksan ang pandinig sa taumbayan

- Advertisement -
- Advertisement -

PAHAYAG NI SENADOR FRANCIS “KIKO” PANGILINAN UKOL SA ICI HEARINGS PARA SA TRANSPARENCY

NAGBIGAY ng rekomendasyon si Senator Francis Pangilinan sa Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Aniya, “Kailangang buksan ang pandinig sa taumbayan.

“Parating kasama ang transparency (bukás ang mga katwiran, proseso, at natuklasan) sa mga elemento ng anumang malayang imbestigasyon. Ang iba pa ay: independent (walang koneksyon sa mga imbestigahan), impartiality and objectivity (walang kinikilingan o ibang agenda), timeliness and thoroughness (maagap at masinop).

“Lahat tayong nagbabayad ng buwis, lahat tayong pinagtataksilan ng mga sumumpang maglingkod sa bayan, gusto natin malaman ang totoo. Tayong mga biktima ay may karapatang malaman ang mga nangyayari sa ICI.

”Buksan ninyo ang proceedings. Huwag subukan ang taumbayan. Baka bukas, nasa harap na ng inyong mga tahanan ang mga protesta.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -