30.6 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Gatchalian hinamon ang PhilPost na sumabay sa digital era

- Advertisement -
- Advertisement -

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Philippine Postal Corporation (PhilPost) na yakapin ang digital transformation sa gitna ng paglipat ng mga ahensya ng gobyerno at ng publiko tungo sa isang sistemang paperless.

Sa pagdinig ng Senado hinggil sa pondo ng PhilPost, nabanggit na 60% ng mga kliyente ng PhilPost ay mula sa pribadong sektor at 40% naman ay mula sa mga ahensya ng gobyerno na may pribilehiyo sa franking, kabilang ang Hudikatura na kasalukuyang lumilipat na rin sa digital system. Ang franking privilege ay isang pribilehiyo ng ilang ahensya ng gobyerno na magpadala ng sulat o dokumento sa PhilPost nang libre.

“Kliyente ninyo ang gobyerno pero ito mismo ay lumilipat na rin tungo sa digitalization. Kailangan ninyong pag-isipan ang inyong kinabukasan dahil hindi naman maaaring i-subsidize na lang palagi ng gobyerno ang PhilPost,” sabi ni Gatchalian sa PhilPost, na binigyang-diin na malaki na ang itinaas ng subsidy para sa PhilPost para sa 2026 na aabot sa ₱858.5 milyon.

“Ang layunin natin ay maging paperless. Kaya paano nito maaapektuhan ang inyong operasyon?” tanong ng senador.

Ipinaliwanag naman ni Postmaster General Maximo Sta. Maria III na ang pangunahing mandato ng PhilPost ay ang last-mile delivery, lalo na sa mga liblib na lugar na hindi naaabot ng private couriers.

Ngunit binigyang-diin ni Gatchalian ang pangangailangan ng pagiging maaasahan at makabago. “Let’s be honest, kapag PhilPost, madalas delayed. Pero kapag parcel delivery, on time. ‘Yan ang klase ng serbisyo na gusto nating makita,” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -