31.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 12, 2026

Mas pinalawak na access sa gamot para sa bawat Pilipino

- Advertisement -
- Advertisement -

IPRINISENTA kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang MOU para sa Regulatory Sandbox Pilot Program for Flexible Supervision of Pharmacies, isang inisyatibong magpapalawak sa access ng mga mamamayan sa essential medicines lalo na sa mga lugar na kulang sa mga licensed pharmacists.

Sa ilalim ng programang ito, maaaring mag-supervise ng maramihang botika ang mga lisensyadong pharmacist sa pamamagitan ng telepharmacy at video supervision, isang hakbang upang mapunan ang kakulangan ng humigit-kumulang 27,500 pharmacists sa bansa.

Ang proyekto ay pinangunahan ng Food and Drug Administration (FDA), Professional Regulation Commission (PRC), at mga partner mula sa pribadong sektor, bilang patunay sa pagtutok ng administrasyon sa kalusugan at kapakanan ng bawat Pilipino.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -