29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Mga mungkahi ni Sen Lacson sa lumalalang katiwalian sa infra projects

- Advertisement -
- Advertisement -

DAHIL sa patuloy na pagdami ng mga kwestyonableng proyektong pang-imprastraktura na inuugnay sa mga kompanyang pag-aari ng Discaya, nanawagan si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Lunes ng isang whole-of-government approach, kabilang ang pagpapalakas sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pamamagitan ng sapat na tauhan at mga kinakailangang kagamitan upang matugunan ang lumalalang problema; ang pagtulak sa “retribution and restitution” formula; at ang pagsuporta kina Senate Speaker Tito Sotto at Senator Win Gatchalian na alisin ang unprogrammed appropriations sa 2026 budget.

Pagpapalakas sa ICI

Ipinunto ni Lacson ang pangamba ng mga residente ng Provident Village sa Marikina City kaugnay ng umano’y mga depekto sa Marikina Dike, na kasalukuyang ipinapatayo ng mga kompanyang pag-aari ng Discaya.

“At the rate the number of substandard, uncompleted and even ghost infrastructure projects being attributed to the Discaya-owned firms keeps piling up, the ICI may not be able to cope with the complexity and enormity of the problem at hand,” ani Lacson.

“Hence, the national government, including Congress must reinforce the Commission with adequate personnel and logistical resources, even additional legal power and authority by way of legislation so they can accomplish their assigned tasks,” dagdag niya.

Binanggit ni Lacson ang ulat na inilathala na nagsasabing nagkaroon ng mga bitak ang Marikina Dike halos isang taon pa lamang matapos simulan ang konstruksiyon nito, dahilan upang isailalim ito sa pagkukumpuni at magdulot ng pangamba sa mga residente.

Ayon sa ICI, sa 29,800 flood control projects na itinayo mula 2016 hanggang 2024 na kasalukuyan nitong iniinspeksyon, 421 ang natukoy na ghost projects — 261 sa Luzon, 109 sa Visayas, at 51 sa Mindanao.

Ani ICI Executive Director Brian Keith Hosaka, target ng Komisyon na magsumite ng 15 hanggang 20 kaso sa Office of the Ombudsman sa loob ng isang buwan.

Muling nanindigan si Lacson — na  noong Agosto at Setyembre ay naghayag sa kanyang privilege speeches ng lawak ng katiwalian sa likod ng mga palpak at guniguning flood control projects — na  kinakailangan ang agarang whole-of-government approach kung seryoso ang pamahalaan na ituloy ang “logical conclusion” ng imbestigasyon, kabilang ang pagsasakdal at pagkakakulong ng mga sangkot.

“It goes without saying, if we really intend to prosecute, convict and recover their loot including their cohorts in Congress and the Department of Public Works and Highways and other implementing agencies similarly responsible for these unprecedented misuse and abuse of public funds, a whole-of-government approach is extremely necessary, not later, but now,” diin ni Lacson.

Retribution and restitution’ formula para sa maanomalyang infra projects

Hindi inirerekomenda ni Senator Ping Lacson na 80% lamang ng flood contral infra kickbacks ang dapat isauli bilang bayad-pinsala kapalit ng mas maiksing pagkakakulong o jail time.

Malinaw ang kanyang inihahain: restitution (bayad-pinsala) + retribution (pagkakakulong).

Nabanggit ang sinasabing 80% na restitution o pagbabayad pinsala bilang paghahalimbawa lamang ng komputasyon ng maaari nating ma-recover na bayad pinsala mula sa mga sangkot kung sakaling magkakaroon ng plea bargaining arrangement — isang proseso kung saan ang akusado ay karaniwang kusang-loob na aamin sa pagkakasala kapalit ng mas magaan na parusa kaysa sa mas mabigat na krimen kung sasangaayunan ng prosekusyon at ng korte.

Diin ni Senator Lacson, wala pang kompromiso dahil pinag-uusapan pa lamang ang posibleng restitution (bayad-pinsala) + retribution (pagkakakulong). Wala pang kasunduan dahil ito ay dadaan pa sa approval ng lahat ng partido kasama ang akusado, prosekusyon at higit sa lahat, ng korte.

Ang mahalaga, dapat na ma-recover natin ang pondo ng bayan mula sa mga maanomalyang proyekto at hindi lamang basta bayad-pinsala, kundi angkop na pagkakakulong sa mga nagkasala.

Diin ni Lacson, maaaring mabawi ng pamahalaan — at  ng mga taxpayer — ang  paunang P26 bilyon mula sa contracted na flood control ghost project sa pagitan ng 2023 at 2025 na may halagang P629 bilyon, kung isasauli ng mga sangkot ang 80% ng nakulimbat kapalit ng pinaikling sentensya sa kulungan.

“A simple extrapolation using the initial finding of 421 contracted ghost flood control projects out of the 8,000 (5.26%) so far inspected by the AFP/PNP/DepDev composite team as standard, with an aggregate total amount of at least P629B worth of flood control contracted projects in 2023-2025, if all those responsible – contractors, politicians and Department of Public Works and Highways officials – will return just 80% of their loot, after a plea bargaining agreement in exchange for shortened jail terms, easily the Filipino people can recover at least P26 billion,” ani Lacson.

“Imagine the hundreds of billions in taxpayers’ money that we may be able to recover out of all the other similarly corrupted infrastructure projects,” dagdag niya.

Nguni’t iginiit ni Lacson na ang mga magsasagawa ng imbestigasyon — kabilang  ang Independent Commission for Infrastructure, Ombudsman, Department of Justice at hudikatura — ay  may malaking papel dito.

“Of course, everything depends on the political will of those conducting the investigations like the ICI, Ombudsman, DOJ and the judiciary. The President can take the lead and initiative to pursue the direction towards this end. Anyway, he was the triggering mechanism with his famous ‘Mahiya naman kayo’ line in his July 28, 2025 State of the Nation Address,” ani Lacson.

“Siguro pwedeng i-direct ang investigation kasi di mo ma-expect na mag-cooperate fully yan kung walang plea bargaining. Hindi uso sa atin ang plea bargaining pero pwede magkaroon ng paguusap sa pamamagitan ng abogado ng gobyerno at nasasakdal,” aniya.

“Pero wala pang compromise kasi pinag-uusapan dito restitution plus retribution. Di naman pwedeng restitution lang libre na sila, napaka-unfair naman noon,” dagdag niya.

Dagdag pa ni Lacson, maaari ring makabawi ng dagdag na halaga ang pamahalaan kung hahabulin nito ang mga insurance companies na nagsilbing surety o garantiya sa mga kuwestiyonableng proyekto.

Aniya, maaari ring gamitin ng mga kaukulang ahensya ang parehong formula sa paghawak ng iba pang anomalya sa mga proyekto tulad ng farm-to-market roads, school buildings, at multi-purpose buildings.

Diin din ni Lacson, dapat gawing inspirasyon ng gobyerno sa laban nito kontra korapsyon ang patuloy na galit ng publiko sa mga anomalya.

“Tama lang na hindi nawawala o nadi-diminish ang galit ng ating kababayan. Nagkaroon ng very famous chant na ‘ikulong.’ Dapat hindi bumitaw. Kasi nasa mamamayan natin ang malaking pagkukunan ng lakas ng loob ang gobyerno,” aniya.

Samantala, matapos ang kanyang pagbibitiw bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni Lacson na magpo-focus siya sa pagdinig ng 2026 national budget.

Tututukan din niya ang kanyang mga tungkulin bilang Senate President Pro Tempore at chairman ng Senate Committees on Accounts at Electoral Reforms and People’s Participation.

Alisin ang unprogrammed appropriations sa 2026 budget

Lalong lumakas ang panawagan sa Senado na alisin ang unprogrammed appropriations sa 2026 budget matapos magpahayag ng todong pagsuporta si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson kay Senate President Vicente Sotto III at Senate finance committee chairman Sherwin Gatchalian sa nasabing panukala.

Tiniyak ni Lacson nitong Sabado na sasamahan niya ang posisyon ng Senado sakaling pagtalunan ito ng Senado at Kamara sa bicameral conference committee.

“Ang usapan namin wala nang unprogrammed appropriations sa 2026 budget. Ang papayagan na lang ang foreign-assisted kasi kailangan talaga yan. Pero ang iba alisin na natin,” aniya sa isang panayam.

Binanggit ni Lacson, na kilala bilang mahigpit na tagabantay ng kaban ng bayan, ang mga ulat nitong Biyernes kung saan tinanggihan ng Kamara ang panukalang bawasan ang P250-bilyong unprogrammed appropriations.

Sa mga ulat, sinabi ni House appropriations chairperson Mikaela Suansing na hindi umano kayang alisin ng pamahalaan ang pondo para sa mga foreign-assisted projects.

Kung mananatiling magkaiba ang posisyon ng Senado at Kamara, sinabi ni Lacson na kakampi ng Senado ang taumbayan na galit sa katiwaliang lumitaw sa mga maanomalyang proyekto sa flood control at imprastraktura.

Nauna nang kinumpirma ni Lacson at ng kanyang staff na may mga flood control project na ginamitan ng unprogrammed funds sa badyet.

“So diyan kami magkakasubukan sa bicam. Kung ako maging member ng bicam at magkasama-sama kami ni Sen. Gatchalian, palagay ko malakas ang aming boses doon kasi kasama sa boses namin ang boses ng mga galit,” ani Lacson.

Samantala, muling nanawagan si Lacson sa mga mambabatas na magpakita ng self-restraint o pagpipigil sa paglalagay ng mga individual amendments sa panukalang badyet, at sa halip ay magtuon sa mga institutional amendments na bunga ng konsultasyon sa mga lokal na pamahalaan.

Kinalap mula sa ulat ng Senate of the Philippines

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -