DAHIL sa Union Water Impounding Project sa Claveria, Cagayan, may siguradong patubig ang 1,050 ektarya ng bukirin para masuportahan ang higit 1,000 magsasaka buong taon. Maliban sa tagtuyot, proteksyon din ito sa baha para sa panatag na pamumuhay ng mga komunidad.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inagurasyon ng proyekto, na natapos sa loob lamang ng 14 na buwan, patunay na posibleng magtayo ng maayos, mabilis, at epektibong flood control na tunay na mapakikinabangan ng mga Pilipino.



