26.1 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Gatchalian binatikos ang infra project ng PCO sa DPWH

- Advertisement -
- Advertisement -

BINATIKOS ni Senador Win Gatchalian ang Presidential Communications Office (PCO) dahil sa pagkontrata nito sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa isang proyektong imprastraktura na hindi naman sakop ng pangunahing mandato ng PCO.

Batay sa 2024 Commission on Audit (COA) Report, noong 2019 ay kinontrata ng PCO ang DPWH para sa pagtatayo ng Phase II ng Government Communication Academy sa Bukidnon na nagkakahalaga ng ₱45.7 milyon. Sa 2020-2023 na ulat ng COA, lumabas ang kahalintulad na proyekto ngunit may ibang halaga – ₱79 milyon. Wala nang nakalaang pondo para dito sa susunod na taon dahil ayon sa PCO napondohan na raw ang natitirang 10% ng konstruksiyon. 

“Bakit may communications office ang PCO sa Bukidnon?” tanong ni Gatchalian. Ipinaliwanag ng PCO na ang proyekto, na sinimulan ng nakaraang administrasyon, ay inilaan raw talaga bilang training center para sa mga communication office sa ilalim ng Malacañang at mga kalakip nitong ahensya.

“Gumastos na tayo ng ₱124 milyon at 90% na ang progreso ng konstruksyon.  Kapag hindi pa ito natapos, magiging white elephant na ito,” ani Gatchalian, chairperson ng Senate Committee on Finance.

Kapag natapos na ang proyekto, plano ng PCO na i-donate ang pasilidad sa Northern Bukidnon State College. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -