29.1 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Sen Zubiri: Dagdag na pondo para sa ating mga magsasaka

- Advertisement -
- Advertisement -

SUPORTADO ni Senator Migz Zubiri ang dagdag na pondo para sa Department of Agrarian Reform nitong Biyernes, Oktubre 24, 2025.

Aniya, “Ito po ang ipinaglaban natin sa budget hearing ng Department of Agrarian Reform.

“Napakalaki po ng tulong na dala ng mga programa at proyekto ng DAR sa ating mga agrarian reform beneficiaries, lalo na sa amin sa Bukidnon, kung saan 93% ng mga respondent na magsasaka ang positibo ang reaksiyon sa mga proyektong farm-to-market roads, dahil napapadali nito ang transportasyon at napapalakas nito ang kita ng ating mga magsasaka.

“Kaya naman bilang agrikulturista, full support tayo sa DAR, at itutulak natin na madagdagan pa and budget nito—tungo sa mas malakas na sektor pang-agrikultura.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -