BUMISITA si Vice President Sara Duterte sa Fort Pilar Shrine sa Zamboanga City.

Aniya, “Tinungo natin ang Fort Pilar Shrine noong bumisita tayo sa Zamboanga City noong nakaraang linggo. Katatapos lang ng kanilang Hermosa Festival na tinaguriang Fiesta Pilar o ang pagbibigay karangalan ng kanilang Patroness Nuestra Señora Virgen Del Pilar.

“Nagsindi tayo ng kandila at nag-alay ng dasal para sa maayos na kalusugan at agarang pag-uwi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ating bansa. Ipinagdasal rin natin ang kapayapaan ng ating bayan at kaligtasan ng bawat mamamayang Pilipino.
“Ang Fort Pilar Shrine ay sumisimbolo ng mayabong kultura at kasaysayan ng Zamboanga. Isa rin ito sa mga tinaguriang historical landmarks ng Zamboanga City.
“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, Bayan at sa bawat Pamilyang Pilipino.”



