26.1 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Ang kasunduan ng malayang kalakalan sa pagitan ng EU at Pilipinas

- Advertisement -
- Advertisement -

NAPABALITA kamakailan na nagmamadali ang Department of Trade and Industry (DTI) na malagdaan agad ang kasunduang Free Trade Agreement (FTA) sa pagitan ng European Union (EU) at Pilipinas. Nangangamba kasiang pamahalaan ng Pilipinas na mawala ang magaan na akses ng mgaproduktong iniluluwas natin sa EU na nakasama sa Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) ng European Union. Kinakailangang mapanatiling Pilipinas ang tratong preferensiyal na tinatanggap natin mula saEuropean Union sa kasalukuyan. Makukuha lamang ito sa pamamagitanng isang Free Trade Agreement.

Ang free trade agreement ay isang kasunduan sa pagitan ng mga bansana gawing magaan ang kanilang pakikipagkalakalan sa mga produkto, serbisyo, at iba pang larangan ng ugnayang komersyal. Sa pinag-uusapang kasunduan sa pagitan ng EU at Pilipinas isinasama rin ang mgapatakaran sa pangangapital, proteksiyon sa mga karapatan sa pag-aari ng yamang intelektuwal, karapatan ng mga manggagawa, proteksiyon ng kapaligiran at iba pa.

Upang maging magaan ang akses sa bilihan ng mga bansang nasa free trade agreement sila ay binibigyan ng tratong preferensiyal sapamamagitan ngpagpapataw ng mababang taripa kaysa normal nataripang ipinapataw sa ilalim ng General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) Most Favored Nation (MFN)  sa mga iniluluwas nilang produkto. Sa kasalukuyan ang taripang MFN na ipinapataw ng EU sa mga produktonginaangkat nila mula sa mga miyembrong bansa ng WTO ay may average na 5.1 porsiyento. Kahit na ang pangunahing prinsipyo ng WTO ay angprinsipyo ng walang pagtatangi, nakasaad din sa GATT na pinapayaganang diskriminasyon o pagbibigay ng tratong preferensiyal sa ilalim ng mgafree trade agreement at sa mga GSP ng mga bansa.

Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay nakatatanggap ng tratong preferensiyalsa mga iniluluwas nito sa EU sa ilalim ng Generalized Scheme of Preferences Plus (GSP+) ng European Union. Ang GSP ay isangprogramang pangkalakalan ng mga bansang mauunlad tulad ng EstadosUnidos at mga kasaping bansa ng EU na nagbibigay ng mababang taripasa mga bansang papaunlad na tumutugon sa kanilang politikal at panlipunang agenda.

Sa ilalim ng GSP+ ng EU may mga bansang papaunlad na binibigyan ng zero na taripang preferensiyal sa halos 66% ng mga produktong iniluluwassa EU na nagpapatupad ng mga tinatanggap na kumbensyion patungkol sakarapatang pantao, karapatan ng mga manggagawa, pamamahala, at patuloy na pagsulong.


Matatapos na kasi ang GSP ng EU sa 2027 at baka hindi na maisamang muli ang  Pilipinas sa mga bansang papaunlad sa susunod na GSP nababalangkasin ng European Union. Malaki ang posibilidad na hindi namaisamang muli ang Pilipinas dahil itinuturing na itong nasa mataas ng antas ng mga ekonomiyang nasa kategoryang middle income.

Kapag natanggal ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang nasa GSP+ ng EU at hindi ito napalitan ng isang FTA na nagbibigay din ng tratongpreferensyal sa mga kaanib na bansa mahihirapan na ang mga produktonginiluluwas ng Pilipinas na makapasok nang magaan sa napakalakingbilihan ng European Union. Noong 2024, halos 11 % ng iniluluwas ng Pilipinas ay nagtutungo sa EU na nagkakahalaga ng USD 8.1 bilyon. Angmga pangunahing iniluluwas ng bansa sa EU ay mga produktongelectronics, makina, langis mula sa niyog, at tuna. Ginamit ng Pilipinas angEU Generalized Scheme of Preferences Plus (IGSP +) nang halos 80% nanagbigay ng zero na taripa sa maraming produktong iniluluwas ng bansa.

Sa harap ng pagmamadali ng DTI sa paglagda ng FTA sa pagitan ng EU at Pilipinas na nakatuon sa magaan na akses sa mga produkto at serbisyonginiluluwas natin sa EU baka may makaligtaan ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry. Dapat isaalang alang nila sa kanilang pagmamadali ang malalaking sakripisyo sa iba pang bahagi ng kasunduan. Kasama rito ang proteksiyon sa karapatan sa pagmamay-aring yamang intelektwal, disiplina sa patakaran sa mga manggagawa, at pangangalaga ng kapaligiran.

Mahigpit ang mga patakaran sa EU tungkol sa pagmamay-ari ng yamangintelektwal. Hindi pinapayagan ng EU ang sapilitang paglilisensya ng mgagamot na may patent mula sa European Union. Dahil dito, mahihirapan angPilipinas na  makapagprodyus ng mura at mabisang gamot. Pinapayaganlamang ng EU ang sapilitang paglilisenya ng mga gamot na hawak nila angpatent kung ang mga bansa ay nakararanas ng matinding problema sapampublikong kalusugan.

- Advertisement -

Sa larangan ng karapatan ng manggagawa mahigpit ang mga patakaranng EU laban sa diskrimininasyon batay sa kasarian, edad, at lahi.  Kailangang pantay ang pagtrato sa mga manggagawa kasama ang mgamamamayan ng EU na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa larangan ng pangangalaga ng kapaligiran baka maghanap ang EU saPlipinas ng mga programa nito sa pagpigil sa pagbabago ng klima kasamaang pagbabawas ng pagbuga ng maruruming usok at pakikibagay sapagbabago ng klima.

Samakatuwid, ang FTA ay hindi lamang nakatuon sa magaan na aksesngunit sa napakaraming sensitibong isyu sa kalakalan na may malalakingsakripisyo sa ating ekonomiya.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -