26.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Kaya ba ng Pilipinas na malagpasan ang kaguluhan sa world trade?

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

URONG-SULONG ang galaw ng merchandise trade ng Pilipinas habang gumagalaw ang mga taripa ng mga malalaking bansa. Kaya ba ng bansa na malagpasan ang  kaguluhan sa world trade?

Simula noong Enero hanggang Agosto 2025, patuloy ang pagratsada ng merchandise trade ng Pilipinas. Lumago ang year-on-year (YoY) growth ng 7.9%. Mas mabilis ang paglago ng exports  na umakyat ng 12.6% kaysa sa imports na lumago rin pero sa mas mababang 5.1%. Mas mataas din ang mga antas na ito kumpara sa matumal na 2.4% export growth at -0.5% na pag-urong ng imports noong kaparehong period noong nakaraang taon.

Dahil sinasamantala ng mga exporters ang panahon bago tumaas pa lalo ang tariffs sa maraming bansa, sunud-sunod na double-digit ang pag-akyat ng exports — 15.5%  noong Mayo,  26.9% noong Hunyo, at 17.6% noong Hulyo. Ngunit nanumbalik sa mas mababang antas ang paglago noong Agosto na 4.6% lamang naitala.

Sa kabuuan, umakyat ng 7.9% ang naitalang total merchandise trade na umabot sa $143.8 bilyon noong unang walong buwan ng 2025. (Table 2). Kahit na mas mabilis ang paglago ng exports kaysa sa imports, umakyat nang bahagya  ang trade deficit sa $4.4 bilyon, 0.6% ng GDP kumpara sa 0.5% noong nakaraang taon.

Sa ganang exports, halos lahat ng major exports ay lumago. Ang pinakamalaking paglago ay naitala ng gold (80.4%), machinery at transport equipment (24.2%), fruits and vegetables (21.2%), electronics (7.4%), at garments at apparel (6.8%).  Tanging bumaba ang chemicals na umurong ng -1.1%.

Sa mga major imports, halos lahat ay lumago nang double-digit kasama ang electronics components (17.4%), transport equipment (16.7%), at telecom equipment at electrical machinery (16.3%). Matumal nang bahagya ang power-generating at electronic data processing machinery (6.1%). Tanging bumaba ang imports ng  minerals fuels and lubricants (-16.2%) dahil sa pagbagsak ng presyo ng langis mula sa $83.1/bariles noong unang anim na buwan ng nakaraang taon sa $70.5/bariles ngayong walong  buwan ng 2025.

Sa mga major export markets ng Pilipinas, pinakamalaki ang paglago ay naipakita ng Australia, Canada, at India na lumago ng 340.8%, 220.1%, at 55.5%, respectively. Ito ang mga bansang labis naapektuhan ng pagtaas ng taripa ng US. Kasunod dito ang Switzerland (25.0%), Germany (23.5%), Mexico (18.8%), Hongkong (15.8%),  Netherlands (14.6%), at Japan (13.5%). Samantala, umurong ang exports sa mga bansa sa Asya na dating namamayagpag sa paglago ng trade gaya ng South Korea (-15.8%), China (-4.5%), Vietnam (-3.9%), UK (-3.4%), Indonesia (-3.3%), at Thailand (-1.7%).

Sa kabuuan, kahit na magulo ang direksiyon ng export at import demand habang patuloy pa ang tariff war ng US at ng major trade blocs, malakas ang export at import sektor ng Pilipinas. Ang sektor na ito ay nahasa sa mga pag-akyat at pagbaba ng demand at supply, ang papalit-palit na galaw ng mga presyo, at ang biglang nawawalang market dahil sa giyera at mga kaguluhan. Dahil nasanay na sila sa magulong mundo, mabilis silang gumalaw kung saan may pagkakataon at maliksi silang lilihis at iiwas kapag nawala ang kanilang market. Marami sa kanila ay mahaba ang pisi dahil madali lang sila makakuha ng financing na mahirap para sa mga ibang mga negosyo ng bansa.

 

Table 1. TOTAL MERCHANDISE TRADE, BY MONTH
TOTAL EXPORTS IMPORTS TOTAL EXPORTS IMPORTS
TRADE TRADE
                     US$ Million YOY % Growth
2024
September        17,622         6,260        11,362 3.1% -7.6% 10.1%
October        18,197         6,191        12,006 5.3% -5.0% 11.6%
November        16,330         5,697        10,633 -5.2% -8.6% -3.3%
December        15,491         5,673          9,819 -1.6% -1.9% -1.4%
2025
January        18,069         6,571        11,498 10.6% 9.6% 11.2%
February        16,548         6,787          9,761 6.1% 12.8% 1.9%
March        18,048         6,768        11,280 14.2% 8.7% 17.8%
April        17,538         6,783        10,755 1.2% 7.6% -2.5%
May        18,261         7,315        10,947 5.0% 15.5% -1.1%
June        18,525         7,064        11,461 19.7% 26.9% 15.7%
July        19,122         7,350        11,773 10.0% 17.6% 5.8%
August        17,668         7,064        10,604 -1.3% 4.6% -4.9%
Source: Philippine Statistics Authority

 

Table 2. EXPORTS AT IMPORTS
JAN-AUG JAN-AUG
  2024 2025
Exports (US$M)         49,448            55,701
   Growth Rate 2.4% 12.6%
   ELECTRONICS  2/ 27,453 29,484
     % Growth 1.0% 7.4%
  MACHINERY & TRANSPORT EQUIPMENT2/ 1,751 2,174
     % Growth 673.4% 24.2%
     FRUITS & VEGETABLES           1,554              1,884
      % Growth 3.5% 21.2%
    GOLD             816             1,473
      % Growth 3.4% 80.4%
  CHEMICALS           1,310              1,296
     % Growth 22.0% -1.1%
   GARMENTS & APPAREL 449 479
      % Growth -6.4% 6.8%
Imports (US$M) 83,777 88,079
Growth Rate  (%) -0.5% 5.1%
   POWER GENERATING & IT MACHINERY 7,170 7,610
     % Growth 3.8% 6.1%
   TELECOM EQPMT & ELECTRICAL MACHINERY 11,167 12,987
     % Growth -15.1% 16.3%
   ELECTRONICS COMPONENTS 5,417 6,361
     % Growth -5.1% 17.4%
   MINERAL FUELS & LUBRICANTS        13,336           11,181
     % Growth -1.6% -16.2%
   TRANSPORT EQUIPMENT 7,208 8,413
     % Growth -9.6% 16.7%
Source: Philippine Statistics Authority

 

 

 

 

 

 

Table 3. Philippine Export Statistics, January-August 2024 and 2025
(in million USD)
Countries 2024 2025 Annual Growth Rate
(%)
Jan-Aug Percent Share
(%)
Jan-Aug p Percent Share
(%)
 Cumulative
 (3)  (4)  (7)  (8)  (10)
  Total Exports 49,447.62 100.0 55,700.79 100.0 12.6
             
Top 10 Countries Total 39,746.44 80.4 43,174.92 77.5 8.6
1 Hong Kong 6,929.32 14.0 8,023.98 14.4 15.8
2 United States 8,110.15 16.4 8,849.29 15.9 9.1
3 Japan 6,863.05 13.9 7,788.87 14.0 13.5
4 China 6,246.01 12.6 5,966.60 10.7 -4.5
5 Taiwan 1,968.24 4.0 2,072.14 3.7 5.3
6 Netherlands 1,999.80 4.0 2,291.34 4.1 14.6
7 South Korea 2,494.33 5.0 2,101.20 3.8 -15.8
8 Germany 1,727.20 3.5 2,133.04 3.8 23.5
9 Singapore 1,883.40 3.8 2,253.67 4.0 19.7
10 Malaysia 1,524.96 3.1 1,694.80 3.0 11.1
  Other Countries 9,701.18 19.6 12,525.87 22.5 29.1
11 Thailand 1,911.34 3.9 1,878.55 3.4 -1.7
12 Vietnam 1,098.17 2.2 1,055.09 1.9 -3.9
13 Switzerland 393.51 0.8 491.77 0.9 25.0
14 Mexico 607.21 1.2 721.44 1.3 18.8
15 Indonesia 635.89 1.3 615.04 1.1 -3.3
16 India 677.72 1.4 1,053.95 1.9 55.5
17 Canada 343.45 0.7 1,102.34 2.0 221.0
18 Australia 344.14 0.7 1,516.84 2.7 340.8
19 UK Great Britain and N. Ireland 387.36 0.8 374.24 0.7 -3.4
20 United Arab Emirates 259.04 0.5 296.25 0.5 14.4
21 Others 3,043.36 6.2 3,420.37 6.1 12.4
Source: Philippine Statistics Authority (PSA)

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -