26.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

PBBM nakipagpulong sa mga opisyal ng gobyerno; pagdakip sa mga akusado sa katiwalian sa flood control, ikinasa

- Advertisement -
- Advertisement -

NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Lunes sa mga pinuno ng iba’t ibang ahensyang responsable sa pagpapatupad ng mga warrant of arrest laban sa mga indibidwal na kinasuhan ng graft at malversation dahil sa iregularidad sa mga proyekto ng flood control.

Kabilang sa mga opisyal na nakipagpulong sa Pangulo sa Malacañang sina Department of Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla at Acting Department of Justice Secretary Fredderick Vida.

Dumalo rin sa pulong sina Presidential Anti-Organized Crime Commission Executive Director Benjamin Acorda Jr., Acting Philippine National Police Chief PLt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., at National Bureau of Investigation Officer-in-Charge Angelito Magno.

Sa isang video message nitong Lunes ng umaga, sinabi ni Pangulong Marcos na pito sa 16 na akusado ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad.

Hinikayat ng Pangulo ang iba pang akusado, kabilang ang dating Ako Bicol Party List Rep. Zaldy Co, na sumuko. Binalaan din niya ang sinumang magtatago o magtatangkang magkanlong sa mga akusado na maaari rin silang managot sa batas.

Inutos ng Punong Ehekutibo ang imbestigasyon hinggil sa mga anomalya sa flood control projects sa kanyang Ika-apat na State of the Nation Address noong Hulyo 28.

Noong Setyembre 11, 2025, nilagdaan ng Pangulo ang Executive Order No. 94 na lumikha sa Independent Commission for Infrastructure (ICI). Ang komisyong ito ang magsasagawa ng imbestigasyon sa mga flood control at iba pang proyektong pang-imprastruktura at magrerekomenda ng mga kasong dapat isampa laban sa mga responsable sa iregularidad. | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -