UPANG makatipid sa pondo at mapahusay ang serbisyong publiko, bakit hindi buhayin muli ang plano na pag-isahin ang dalawang television networks ng pamahalaan?
Isinulong ito ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson nitong Martes sa deliberasyon ng 2026 budget ng Presidential Communications Office, kabilang ang budget ng state TV networks na People’s Television Network (PTV) at Intercontinental Broadcasting Corp. (IBC).
“During the time of then Sec. Sonny Coloma under the presidency of the late President Benigno Aquino III, there was a plan to integrate the (then) three government TV stations and convert the same into a public service broadcaster in the mold of the British Broadcasting Co. This is also budget-related (because) it could save the government from providing subsidy to the stations,” aniya. “I think it’s worth studying and considering.”
Dagdag ni Lacson, bagama’t tila hindi na natuloy ang naturang plano, maganda pa ring tularan ang modelo ng BBC na kumikita sa advertising habang nananatiling nakatuon sa public service broadcasting.
Bukod dito, maaari rin umanong gamitin ang kikitain mula sa pagbebenta ng real estate at iba pang assets ng isa sa mga istasyon upang mapaganda ang pangunahing istasyong nais gamitin ng gobyerno.
“I think it was a novel idea that should be pursued,” ani Lacson.
Ayon naman kay Sen. Loren Legarda, sponsor ng budget ng PCO, ang orihinal na panukala ay isailalim sa pribatisasyon ang IBC, at ang kikitain dito ay mapupunta sa kapakinabangan ng PTV



