32.3 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

Kaugnayan ng banking system at mataas na interest rate

TINGIN SA EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

ANO ang nangyayari sa banking system pagkatapos ng tatlong taon na mataas ang interest rates? Tumaas ba ang nonperforming loans? (NPLs) Paano binawi ng mga bangko ang mga lugi nila sa pagtaas ng NPLs?

Dahil sa pakikibaka ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa inflation na umakyat hanggang 6.0% noong 2023, pinakamataas sa loob ng 15 taon, tinaasan ng Bangko Sentral ang interest rates. (Table 1) Itinaas ang policy interest rate sa 6.35% noong 2024 mula sa 2% noong 2021, at 6.17% noong 2023. Dahil dito, umakyat ang average (nominal) lending rate sa 7.95% noong 2024. Umakyat din ang time deposit rate sa 4.36%.

Dahil sa pagtaas ng interest rates, bumaba ang paglago ng loans sa mga bangko. Mula sa 13.6% na paglago ng gross loans ng banking system noong  2023, lumupasay ang paglago nito sa 10.4% noong 2024. Lalo pa itong nahulog sa 9.9% noong 2025 (Table 2) Ito ang dahilan ng pagbaba ng grossa domestic capital formation mula sa double-digit levels noong 2021 at 2022 sa 6.3% noong 2023 at 7.7% noong 2024 at 2.4% noong unang kalahati ng 2025. Ito rin ang dahilan kung bakit naging matumal ang ekonomiya noong 2023, 2024, at 2025.

Dahil sa matumal na ekonomiya, tumaas ang nonperforming loans (NPLs) ng mga bangko. Ang mga NPLs ay mga pautang na di nababayaran ang interest. Mula P398.8 bilyon noong 2022, umakyat ang gross NPLs sa P449.1 bilyon noong 2023, P520.5 bilyon noong 2024, at  P535.5 bilyon noong Agosto 2025. Sa bahagdan ng total gross loans, rumatsada ang NPLs mula sa 3.16% noong 2021 sa 3.37% noong Agosto 2025.

Dahil dito, ni-require ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na dagdagan ang provision for loan losses. Mula sa P426.86 bilyon noong 2022, dinagdagan  ito at umakyat sa P426.9 bilyon noong 2023 sa P512.1 bilyon noong Agosto 2025.


Ganoon din ang nonperforming assets (NPAs) na lumago mula sa P526.59 bilyon noong 2022 sa P696.19 bilyon noong Agosto 2025. Ngunit dahil sa rules ng BSP na kung saan kailangang mag-set aside ng sufficient na amount para dito, sunud-sunod na bumaba ang bahagdan ng NPA allowance mula 87.9% noong 2022, 85.1% noong 2023 hanggang sa 79.5% noong Agosto 2025.

Ang banking system ay nag-adjust sa mas masungit na kapaligiran ng ekonomiya. Dinagdagan ang resources mula P23.5 trilyon noong 2022 sa P27.7 trilyon noong Agosto 2025. Lumago ang kanilang deposit mobilization mula P17.8 bilyon noong 2022 sa P20.5 bilyon noong Agosto 2025. Ngunit ang bahagdan nito sa GDP ay humina mula 82.5% sa 74.7%. Karamihan o 74% sa mga resources ng bangko ay galing sa deposit liabilities. Mula sa 9.4% na paglago noong 2022 nang ang real GDP growth ay nasa pinakamataas nitong antas na 7.6% pagkatapos ng pandemya, bumagal ang pag-akyat ng deposit liabilities sa 7.1% noong 2023  ngunit umakyat ulit sa 7.7%% noong 2024 bago lumagapak sa 0.4% noong 2025.

Ngunit ang pinakamalaking source ng pondo ng banking system ay ang capital accounts na umakyat mula P2.7 trilyon sa P3.5 trilyon. Ang ibig sabihin, tinaasan ng mga stockholders ang kapital ng kanilang mga bangko.

Kasabay ng paglago ng kanilang resources ang pag-akyat ng kanilang pautang (loans) sa mga negosyo at consumers. Umakyat ang kanilang gross loans nang higit sa 10% bawat taon pagkatapos ng pandemya. Lumago ang pautang nila ng 10.8% noong 2022, 13.6% noong 2023, 10.4% 2024 at 9.9% noong 2025. Kahit na tumaas ang interest rates, malago pa rin ang pag-akyat ng pautang na siyang bumubuhay sa mga negosyo.

- Advertisement -

Ang pinakamahalagang sukatan ng lakas ng banking system ay ang capital adequacy ratio o CAR. Sinasaklaw nito ang kakayahan ng bangko na bayaran ang kanyang mga liabilities at mga depositor na nagwi-withdraw ng pera, kung solvent pa rin ito kapag may difficult financial circumstances siyang daraanan. Ang agreement ng mga regulators na kasama sa Basel Committee on Bank Supervision, isang international na pulutong ng mga regulators kasama ang mga maunlad na bansa, ay minimum CAR na 10.5%. Ngunit simula nang na-adopt ang CAR sa Basel, mas mataas ang average CAR ng mga bangko sa Pilipinas na noong Setyembre 2024 ay umabot sa 16.44%. Bumaba ito ng 15.9% noong 2022, noong patapos na ang pandemya. Kahit na lumalaki ang NPLs, mataas pa rin ang CAR na 15.6% noong Hunyo 2025.

Kahit tumataas ang NPLs at NPAs ng mga bangko, malakas pa rin ang profitability nila. Mula sa mababang P224.75 bilyon noong 2021, umakyat ang net profit ng mga bangko sa P310.12 bilyon noong 2022, at P356.49 bilyon noong 2023, at P391.33 bilyon noong 2024. Kahit noong 2025, patuloy ang pag-akyat nito kahit na bumagal ito dahil sa mataas na NPLs.

Ang rate of return on assets, at rate of return on equity ay umabot sa 1.47% at 11.98%, respectively, sa unang anim  na buwan ng 2025, mas mataas kaysa sa mga antas noong kasagsagan ng pandemya, at ng 25-year average na 1.46% at 11.7%, respectively. Ang ibig sabihin, kayang-kaya ng banking system tahakin ang landas ng magulong world economy, kahit na magtagal pa ito.

Table 1. INTEREST RATES 2021 2022 2023 2024 2025 (J-S)
INFLATION RATE 4.38% 5.82% 6.00% 3.22% 1.67%
POLICY RATE 2.00% 3.21% 6.17% 6.35% 5.48%
POLICY RATE (REAL) -2.38% -2.61% 0.17% 3.13% 3.76%
LENDING RATE 6.07% 6.00% 7.54% 7.95% 7.82%
LENDING RATE (REAL) 1.62% 0.17% 1.46% 4.59% 6.05%
TIME DEPOSIT RATE 1.20% 1.62% 4.19% 4.36% 4.19%
TIME DEPOSIT RATE (REAL) -3.05% -3.97% -1.71% 1.11% 4.12%
Sources: Bangko Sentral ng Pilipinas & Philippine Statistics Authority

 

 

Table 2. BANKING SYSTEM 2021 2022 2023 2024 2025 (Aug)
RESOURCES, P Billion 20,821.0 23,497.4 25,859.0 26,733.9 27,729.3
       Percent Growth 4.0% 12.9% 10.1% 9.7% 6.7%
       Percent of GDP 107.3% 106.7% 106.3% 106.8% 94.5%
(GROSS) LOAN PORTFOLIO, P Billion 12,613.7 13,859.9 15,233.1 14,719.3 15,708.7
       Percent Growth 4.8% 10.8% 13.6% 10.4% 9.9%
      % of GDP 60.50% 57.3% 57.0% 57.6% 57.4%
(NET) LOAN PORTFOLIO, P Billion 11,022.2 12,251.5 13,525.4 14,872.8   15,306.4
       Percent Growth 2.0% 11.2% 14.9% 10.0% 2.9%
DEPOSIT LIABILITIES, P Billion 16,241.0 17,767.4 19,032.7 20,375.9 20,454.1
       Percent Growth 9.0% 9.4% 7.1% 7.7% 0.4%
      % of GDP 83.7% 82.5% 81.1% 74.0% 74.7%
LOAN-DEPOSIT RATIO 67.9% 69.0% 71.1% 73.0% 78.2%
CAPITAL ACCOUNTS, P Billion 2,573.9 2,702.0 3,068.9 3,369.8 3,500.2
       Percent Growth 5.9% 5.7% 14.3% 9.9% 8.7%
      % of GDP 13.3% 12.3% 12.6% 12.5% 11.9%
NON-PERFORMING LOANS (NET),P Billion 240.3 186.1 208.7 220.0        234.7
       Percent Growth 10.30% -22.50% 12.1% 5.4% 1.8%
NON-PERFORMING LOANS (GROSS),P Billion 454.49 398.79 449.06 500.32 535.45
       Percent Growth 15.30% -12.26% 12.61% 11.41% 4.44%
NON-PERFORMING LOANS,GROSS % OF TOTAL LOANS 3.99% 3.16% 3.24% 3.28% 3.37%
NON-PERFORMING LOANS, NET % OF TOTAL LOANS 2.18% 1.52% 1.54% 1.48% 1.50%
NPL COVERAGE RATIO, % 87.4% 107.0% 101.7% 96.5% 91.2%
PROVISION FOR LOAN LOSSES (PB) 397.1 426.9 456.9 485.1        512.1
NONPERFORMING LOANS (NET) OF THE BANKING SYSTEM. P Billion 240.3 186.1 208.7 219.987        231.84
       Percent Growth 10.30% -22.50% -34.80% 12.40% 5.4%
        % of Total Loans 2.20% 1.50% 0.90% 1.48% 1.50%
        % of GDP 1.24% 0.84% 0.86% 0.83% 0.79%
NON-PERFORMING  ASSETS (NPAs)
   P Billion 571.79 526.59 580.39 645.82 696.19
   % of Total Assets 2.75% 2.24% 2.24% 2.49% 2.47%
NPA COVERAGE RATIO, % 75.30% 87.90% 85.10% 78.90% 79.5%
PROVISION FOR NPAs (PB) 430.8 462.73 494.12 524.87        563.85
CAPITAL ADEQUACY RATE  5/ 16.60% 15.89% 16.57% 16.44% 15.64%
REAL ESTATE EXPOSURE, % OF TOTAL LOAN PORTFOLIO (Excluding Interbank Loans)
   End- December 21.60% 21.90% 20.55% 19.95% ..
NET INCOME AFTER TAX 224.75 310.12 356,49 391.33 198.14 (Jun)
    % Growth 67.10% 37.98% 14.95% 9.77% 4.10%
    % of Total Assets 1.12% 1.41% 1.48% 1.49% 1.47%
    % of Total Equity 8.98% 11.75% 12.32% 12.16% 11.98%
Sources: Bangko Sentral ng Pilipinas & Philippine Statistics Authority

 

- Advertisement -

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -