29.5 C
Manila
Martes, Hunyo 16, 2026

Lacson: dadagdagan ang ngipin ng AMLC vs korapsyon

- Advertisement -
- Advertisement -

 

MATAPOS matuklasan ang masalimuot na krimeng pampinansyal habang iniimbestigahan ang korapsyon sa likod ng mga maanomalyang flood control projects, naghain si Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ng panukalang batas upang higit pang palakasin ang Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Sa Senate Bill 1557 na inihain ni Lacson nitong Miyerkules, magkakaroon ng karagdagang kapangyarihan ang AMLC, palalawakin ang saklaw ng covered persons, at ma-a-update ang listahan ng predicate offenses sa money laundering.

“Recent corruption issues have highlighted the complexities of financial crimes. Updating the AMLA to meet the requirements of the times would also prevent us from being placed in the FATF Greylist again,” ani Lacson sa kanyang panukalang batas, kung saan niyang binanggit na isasailalim ang Pilipinas sa ikalimang round ng FATF global mutual evaluations sa 2027

Sa kanyang mga privilege speech noong Agosto at Setyembre, inilahad ni Lacson ang korapsyon sa likod ng palpak at guniguning flood control projects — kabilang ang paggamit ng ilan sa mga sangkot ng pera ng bayan para magsugal sa mga casino.

Layon ng Senate Bill 1557 na ipatupad ang mga sumusunod na pagbabago sa Anti-Money Laundering Act:

* Tukuyin ang trusts at virtual asset service providers bilang covered persons;

* Ilinaw na ang threshold para sa jewelry dealers at dealers ng precious metals and stones ay tumutukoy sa covered transaction reports;

* Isama ang mga depinisyon ng transactional at continuing violation ng anumang batas o regulasyon na inilabas ng AMLC o ng awtorisadong opisyal nito;

* I-update at palawakin ang listahan ng predicate offenses sa money laundering;

* Itakda ang threshold para sa customer due diligence ng mga casino sa P150,000, alinsunod sa FATF-prescribed threshold na US$3,000 — na may sistema ng beripikasyon ng tunay na identidad ng mga kliyente;

* Pahintulutan ang AMLC na maglabas ng non-court-based subpoena sa halip na court-based;

* Bigyan ng kapangyarihan ang AMLC na magsampa ng freeze order at civil forfeiture petitions nang direkta o sa pamamagitan ng Office of the Solicitor General;

* Pagandahin ang efficiency ng AMLC sa pagkuha ng bank inquiries nang walang court order, katulad ng kapangyarihan nito sa mga kasong kidnapping, illegal drugs, terrorism, terrorism financing, arson, at murder;

* Bigyan ang AMLC ng kapangyarihang bumisita at magsagawa ng inspeksyon sa covered persons para tiyakin ang pagsunod at palakasin ang risk-based supervision;

* Pahintulutan ang AMLC na mag-administer ng oaths o affirmations;

* Palakasin ang quasi-judicial functions ng AMLC sa paghawak ng administrative cases upang suportahan ang risk-based supervision;

* Bigyan ng authority na i-indemnify ang AMLC at staff nito laban sa gastos mula sa “harassment suits”;

* Palawakin ang Information Security and Confidentiality Provision upang isama ang lahat ng taong binigyan ng AMLC information, para matiyak ang accountability;

* Magtakda ng pangkalahatang pagbabawal sa injunctive relief laban sa AMLC, maliban kung ito ay mula sa Court of Appeals o Supreme Court;

* Bigyan ng kapangyarihan ang AMLC na i-suspend ang mga transaksyon bilang preemptive measure kapag may hinalang may kinalaman ang mga ito sa money laundering, terrorism financing, o anumang ilegal na aktibidad.

Pinalalakas ng panukalang batas ang AMLC bilang independent central anti-money laundering and counter-terrorism financing authority ng bansa — na magsisilbing financial intelligence unit, specialized investigation agency, at regulator-supervisor.

Pinalalawak din ang listahan ng covered persons upang isama ang:

* Mga bumibili at nagbebenta ng real estate;

* Mga abogado at accountant ng covered persons;

* Mga online gambling operators anuman ang uri ng kanilang lisensya;

* Virtual asset service providers.

Samantala, pinalalawak ang listahan ng predicate offenses sa AMLA. Kabilang dito ang:

* Terrorism, conspiracy to commit terrorism, at pagbibigay ng material support sa terrorists;

* Paglabag sa Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children at Child Sexual Abuse or Exploitation Materials;

* Paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012;

* Paglabag sa Anti-Dummy Act;

* Paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -