28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Palasyo: Pagtaas ng base pay, paraan ng pagpaparangal ni PBBM sa serbisyo ng militar

- Advertisement -
- Advertisement -

PINAHAHALAGAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagseserbisyo at pagsasakripisyo ng military at uniformed personnel (MUP) para sa bansa, kaya naman mas pinalawak niya ang benepisyo para sa mga ito, gaya ng pagtaas ng kanilang base pay kamakailan.

Ito ang ipinahayag ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing sa Malacañang nitong Biyernes.

Nagsabi si Castro na iginagalang at kinikilala ni Pangulong Marcos ang araw-araw na pagsusugal ng buhay at sakripisyo ng bawat lalaki at babaeng sundalo gayundin ang mga uniformed personnel kaya mas lalong pinalakas at pinalawak ng Pangulo ang kanilang mga tinatanggap na benepisyo.

Alinsunod din anya ito sa patakaran ng pamahalaan at hindi sa kung anumang pressure sa pulitika.

“Kung nararapat silang bigyan ng mas magandang ayuda, pagtulong, kailangan din naman nating ibigay dahil ang kanilang sakripisyo sa bayan, buhay ang nakataya sa kanila,” ayon kay Castro.

Dagdag pa ni Castro, mas pinaparamdam ng Pangulo ang pagpapahalaga at pagmamalasakit sa mga kasundaluhan at MUP nang dalawin niya ang kampo ng military at sa pakikipag-ugnayan sa kanila para masigurong pinoprotektahan ang kanilang moral sa kahandaan sa pagtupad sa tungkulin.

“Hanggang may oras ang Pangulo, hindi ito dapat kinukuwestiyon. Ang pagbisita sa ating mga kasundaluhan, sa mga uniformed personnel ay nararapat lamang bilang Commander-in-Chief. So, wala itong kinalaman kung mayroon mang isyu ngayon, obligasyon ng Pangulo na bisitahin sila,” ayon pa kay Castro.

Kamakailan lang, pinagtibay ni Pangulong Marcos ang Executive Order 107 na nag-update sa base pay schedule at nagtaas sa daily subsistence allowance ng lahat ng MUP.

Magiging epektibo ang dagdag-sahod sa tatlong bugso: ang unang bugso ay sa Enero 1, 2026; ang ikalawa sa Enero 1, 2027; at ang huli sa Enero 1, 2028. Magsisimula naman ang P350 na daily subsistence allowance sa Enero 1, 2026.

Kahapon naman, bumisita si Pangulong Marcos sa Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) sa Davao City, kung saan pinuri niya ang mga tropa dahil sa kanilang huwarang pagganap sa internal security operations, counterinsurgency efforts, maritime patrols, disaster response, at sa patuloy na pagbagsak ng bilang ng mga grupong sangkot sa terorismo. | PND

Previous article
Next article
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -