26.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

DOJ: Walang criminal liability pero tuloy ang kasong sibil laban kay Cabral sa kabila ng kanyang pagpanaw

- Advertisement -
- Advertisement -

TULOY ang planong pagsasampa ng kasong sibil  upang kunin mga ari-arian ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral  sa kabila ng kanyang biglaang pagpanaw sa kasagsagan ng mga imbestigasyon patungkol sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Larawan mula sa The Manila Times

Ayon kay Department of Justice (DOJ) prosecutor general Richard Anthony Fadullon, tuluyan nang natatapos ang anumang kriminal na pananagutan ng isang tao sa oras na mamatay ito subalit sa kabila nito, maaaring ipagpatuloy ang kasong sibil para kumpiskahin ang ari-arian nito upang makabawi kung mayroon man itong pananagutang sibil.

“We will continue to proceed with possible filing of civil forfeiture cases just to make sure that we are able to get hold of reserved assets which were under her name,” ayon kay Fadullon.

Ganoon din ang naging pahayag ni assistant ombudsman Mico Clavano sa isang press briefing.

Aniya, bumuo na ng isang pangkat ang ombudsman upang talakayin at suriin kung paano sila kikilos upang makuha ang ari-arian na nasa pangalan ng namatay na DPWH undersecretary.


“Despite the death of a person, accountability still has to be exacted, especially when it involves public funds,” ani Clavano.

“So, our hope and our goal here is to make sure that every proven amount, every cent, every peso that might be traced as ill-gotten and that are under the estate of usec. Cabral can be returned to the government,” dagdag pa niya.

May listahan si Cabral

Ayon kay Clavano, hinihimok nila ang sinumang may hawak ng mga telepono ni Cabral na dalhin sa kanila ang listahan ng mga taong nag-insert ng mga proyekto sa budget.

- Advertisement -

“Reports have reached us that mayroon talaga siyang listahan sana ng mga tao na nag-insert ng mga projects sa budget. So hindi pa natin nakikita itong listahan,” pahayag ni Clavano sa press briefing.

Kinakailangan, aniya na mag-apply ng cyberwarrant upang makuha ang mga gadget ni Cabral na maaaring pinagsulatan nito ng kanyang listahan.

Imbestigasyon sa pagkamatay

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang pagkamatay ni Cabral.

Ayon sa ulat ng The Manila Times, base sa awtopsiya ng awtoridad, walang nakitang binaril, sinaksak o sinaktan si Cabral. Ang malakas na pagbagsak nito ang tinitingnang dahilan ng kanyang pagkamatay.

Natagpuan ang kanyang labi malapit sa ilog ng Bued may 20 hanggang 30 metro ang lalim mula sa may gilid ng Kennon Road sa Tuba, Benguet.

- Advertisement -

Ayon sa salaysay ng kanyang drayber, nagpababa si Cabral sa may Kennon Road nang patungo sila sa La Union nitong nakaraang Disyembre 18.

Ayon sa mga imbestigador sinabi ng drayber na si Ricardio Hernandez, na nagsabi si Cabral na iwan siya malapit sa Sitio Maramal, Camp 5, Barangay 4, dakong 3  p.m.

Ayon umano kay Hernandez, nagtungo siya sa malapit na gasolinahan at bumalik dakong 5 p.m. ngunit wala na si Cabral sa lugar na kanyang pinag-iwanan.

Hinanap muna umano ni Hernandez sa hotel na tinuluyan nito at nang hindi niya ito makita, saka pa lamang niya ito iniulat sa pulisya  dakong 7 p.m.

Nang gabing iyon, natagpuan ng mga awtoridad ang katawan ni Cabral na walang malay at hindi gumagalaw sa bangin na may lalim  na 20–30 metro malapit sa ilog Bued.

Idineklara siyang walang buhay dakong hatinggabi nang gabing iyon.

Nasa kustodiya si Hernandez ng mga awtoridad dahil isa siyang person of interest (POI) habang iniimbestigahan ang dahilan bakit iniwang mag-isa si Cabral at bakit tumagal bago inireport na nawawala ang ginang.

Nakikiisa sa imbestigasyon

Sa kabila ng pinagdaanang isyu ng flood control projects, nakipagtulungan si Cabral sa imbestigasyon kaugnay ng flood control projects.

Sa ulat ng TMT, sinabi ng abogado ng pamilya ni Cabral, si Atty. Mae Divinagracia ng Co & Divinagracia Law Offices, dumalo si Cabral sa maraming imbestigasyong may kinalaman sa umano’y anomalya sa flood control projects at boluntaryo itong nakipag-usap sa Senate Blue Ribbon Committee, House of Representatives Infrastructure Committee, at sa Office of the Ombudsman.

Hiniling ng pamilya ng yumao na maging sensitibo sa kanilang pinagdaraanan.

Sinisikap naman ng mga awtoridad na balansehin ito sa gitna ng plano ng pulisya na magpalabas ng subpoena para makuha ang telepono ni Cabral para sa forensic analysis.

Na-relieve sa tungkulin ang ilang pulis dahil sa hindi agarang pagkuha ng mga personal device ni Cabral, ayon sa TMT.

Kabilang sa mga ito sina Benguet Police Provincial Director Col. Lambert Suerte, Tuba Municipal Police chief Maj. Peter Camsol, at Tublay Municipal Police chief Maj. Peter Fangon.

Nakiusap naman ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga motorista na dumaan sa Kennon Road noong Dec. 18 dakong 9 a.m. hanggang 7 p.m., partikular na sa may Sitio Maramal, Camp 5, Barangay 4, na ipakita sa kanila ang kanilang dashcam footage upang makatulong sa pagdudugtong-dugtong ng mga pangyayari.

May implikasyon sa imbestigasyon

Dahil sa pagkamatay ni Cabral, mas marami umanong katanungan ang lumutang kaysa kasagutan, ayon kay Senador Rodante Marcoleta.

Ani Marcoleta, maaari itong magkaroon ng implikasyon sa isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng umano’y iregularidad sa flood control fund.

Sa kanyang pahayag sa programang “Sa Ganang Mamamayan” sa Net 25 nitong nakaraang Dec. 19, nagpahayag ng simpatiya sa pamilya ni Cabral si Marcoleta kasabay ng pagsasabi niya na may lumalaking public concern dahil sa timing at mga pangyayari kaugnay ng insidente.

Ayon kay Marcoleta, “very sensitive” ang posisyon ni Cabral sa DPWH, at ito ang sentro ng pagpapatupad ng mga proyektong pang-imprastrakturo ng pamahalanan, partikular na ang flood control projects.

Ayon sa senador, mahalaga ang Office of the Undersecretary for Planning sa pagtukoy, pag-apruba at pakikipagkoordinasyon ng mga proyekto kabilang na ang lugar na paglalagyan ng proyekto, at mga tagasulong nito.

Ayon pa kay Marcoleta, sa unang estado ng Senate inquiry patungkol sa umano’y iregularidad sa paggasta sa flood control na proyekto, madalas sumentro ang mga katanungan sa tanggapan ni Cabral.

Dahil, aniya, may access ang tanggapan sa technical data at dokumentasyon na may kinalaman sa project coordinates at pag-aapruba ng mga plano.

Tapos, aniya, biglang nag-resign si Cabral at simula noon bumagal na umano ang progreso ng Senate inquiry na tila  parang walang nangyari.

Sino si Usec Cabral?

Isang civil engineer si Cabral na nagsilbi bilang DPWH undersecretary for Planning and Public-Private Partnership Service.

Siya ang kauna-unahang babaeng presidente ng Philippine Institute of Civil Engineers. Kilala siyang tagapag-adbokasiya ng sustainable infrastructure development.

Nagbitiw siya sa kanyang tungkulin bilang DPWH undersecretary kasunod ng mga kontrobersiya sa mga flood control project nitong nakaraang Setyembre 16.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -