28.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Gatchalian:Hindi nagtatapos sa pag-apruba ng nat’l budget and laban kontra korapsyon 

- Advertisement -
- Advertisement -

NANAWAGAN si Senador Win Gatchalian ng mas pinaigting na pagbabantay sa lahat ng proyekto ng pamahalaan, at binigyang-diin na ang laban kontra korapsyon sa gobyerno ay hindi nagtatapos sa pag-apruba ng national budget ng bansa.

“Nagkasundo na kami sa mga numero, ngunit kailangang magpatuloy ang mahigpit na pagbabantay mula sa pagba-budget hanggang sa implementasyon ng proyekto kung talagang nais nating sugpuin ang korapsyon sa burukrasya,” pahayag ni Gatchalian kasunod ng ulat ng Bicameral Conference Committee hinggil sa panukalang pambansang budget para sa 2026.

Naghihintay na lamang ang panukala ng ratipikasyon mula sa parehong kapulungan ng Kongreso bago ito isumite sa Pangulo. Ayon sa senador, bagama’t may mga safeguard provision na isinama sa General Appropriations Bill, dapat patuloy ang masusing pagbabantay.

“Sa masusing pagbabantay nabubuo ang kultura ng integridad at pananagutan. Masusi naming ipinatupad ang mga hakbang sa transparency sa buong proseso ng pagba-budget. Umaasa kami na ang mga hakbang na ito ay makatutulong upang mahikayat ang publiko na makibahagi sa implementasyon ng mga proyekto ng pamahalaan,” aniya.

Dagdag pa ni Gatchalian, sa mga proyektong pang-imprastruktura sa ilalim ng Department of Public Works and Highways, tiniyak ng Senado na ang bawat item ng proyekto ay may natatanging station number at malinaw na paglalarawan, kasama na ang coordinates, upang mapadali ang pampublikong pagmamanman at maiwasan ang mga ghost at substandard na proyekto.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -