PATULOY na binabantayan ang Bulkang Mayon na nasa alert level 3 matapos maitala ang mataas na aktibidad sa loob ng huling 24 oras

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa 6-km Permanent Danger Zone at sa Extended Danger Zone. Manatiling alerto sa posibleng rockfall, pyroclastic flows, lava flows, at lahar lalo na kung may pag-ulan.

Samantala, namahagi ang DSWD ng family food packs, non-food items, mainit na pagkain sa pamamagitan ng Mobile Kitchen, at malinis na inuming tubig gamit ang Mobile Water Station sa mga pamilyang inilikas bunsod ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon sa Malilipot, Albay.




