26.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

ES Recto: Pamahalaan, tumalima sa Korte Suprema; isinauling pondo ng PhilHealth, mas pinalaki

- Advertisement -
- Advertisement -

IGINIIT ni Executive Secretary Ralph Recto na natugunan at tumalima na ang pamahalaan sa reklamong isinampa sa kanya sa tanggapan ng Ombudsman hinggil sa isyu ng pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Katunayan, hindi lang anya tumalima ang pamahalaan sa utos ng Korte Suprema na ibalik ang pondo ng PhilHealth, kundi mas pinalaki pa ang pondo ng ahensya para mas maraming Pinoy ang makinabang.

Ayon kay Recto, nirerespeto niya ang karapatan ng sinuman na magsampa ng reklamo at gumamit ng mga legal na proseso, pero hindi niya papatulan ang anumang ingay sa pulitika dahil mas popokus siya sa ngayon sa trabaho para pagserbisyuhan ang pangangailangan ng sambayanang Pilipino.

“We will continue to uphold the rule of law, respect due process, and work to uplift the lives of our kababayan. I will not get distracted by political noise. The work of improving government performance and services is my priority,” sabi ni Recto sa isang pahayag tungkol sa pagsampa ng reklamo laban sa kanya sa Office of the Ombudsman.

(“Patuloy nating ipagpapatupad ang rule of law, igagalang ang due process, at magtatrabaho para maiangat ang buhay ng ating mga kababayan. Hindi ako magpapadala sa ingay ng politika. Ang pagpapahusay ng serbisyo at performance ng pamahalaan ang aking prayoridad.”)

Kumpiyansa si Recto na ang mga katotohanan at ang batas ang mananaig at magbubunga ng patas at objective na pagsusuri sa mga alegasyon.

“We remain confident that the facts and the law are clear, and that the appropriate institutions will evaluate any allegations fairly and objectively,” dagdag pa niya.

(“Naniniwala kami na malinaw ang mga katotohanan at ang batas, at ang mga nararapat na institusyon ay patas at objective na magsusuri sa anumang alegasyon.”) | PND

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -