26.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Bam: Ibang level ng kasamaan ang pagnanakaw sa kinabukasan ng kabataan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Senador Bam Aquino hinggil sa maanomalyang paggamit ng ghost students at dinadaya ang voucher system.

“Hindi puwedeng palampasin ang pang-aabuso sa pondong nakalaan para sa edukasyon. Kapag gumagamit ng ghost students at dinandaya ang voucher systemn, malinaw na ninanakawan ang mga estudyanteng Pilipino ng mga oportunidad na nararapat sa kanila.

“Kaya irerekomenda natin ang mas mabigat at hiwalay na parusa sa mga gumagawa ng mga ganitong pandaraya. Kailangang managot ang mga umaabuso sa sistema upang maprotektahan ang pondo ng bayan at matiyak na ang bawat pisong para sa edukasyon ay napupunta sa tunay na benepisyaryo — ang ating mga kabataan.”

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -