MARIING kinondena ni Vice President Sara Duterte ang ginawang pananambang ng isang teroristang grupo sa Munai, Lanao del Norte na ikinasawi ng apat na miyembro ng ating Sandatahang Lakas noong Biyernes, Enero 23, 2026.
Narito ang kanyang pahayag.
Assalamu Alaykum!
Mariin nating kinokondena ang pananambang ng isang teroristang grupo sa Munai, Lanao del Norte na ikinasawi ng apat na miyembro ng ating Sandatahang Lakas noong Biyernes, Enero 23, 2026.
Ang ganitong uri ng karahasan ay isang malinaw na hamon sa estado ng kapayapaan at seguridad ng ating bansa.
Ang ating panawagan ay tiyakin ng mga responsableng ahensya ng pamahalaan na hindi sila titigil hanggang sa mabigyan ng hustisya ang sinapit ng apat na kasundalohan at tiyaking ligtas ang ating mga mamamayan laban sa banta ng mga kriminal, terorista, at iba pang pwersa na nagnanais na takutin ang ating mamamayan at pahirapan ang ating bansa.
Magtulungan tayo at huwag nating hayaang maghari ang mga kriminal sa ating mga komunidad. Tandaan natin na sa peace and order nakasandal ang ating kalayaan at ang kaunlaran ng ating bansa.
Nakikiisa ako, kasama ang buong Tanggapan ng Pangalawang Pangulo, sa pakikidalamhati sa mga naiwang pamilya maging sa buong hanay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, sa pagkalagas ng apat na magigiting nilang kasamahan. Ang kanilang kabayanihan at sakripisyo sa paglilingkod sa bayan ay hindi kailanman malilimutan.
Nawa’y manatili tayong matatag at magkaisa laban sa terorismo.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE
Vice President of the Philippines



