PINABULAANAN ni Senador Imee Marcos ang alegasyon na siya Ang nanguna para maisagawa ang kudeta sa Senado. Narito ang kanyang opisyal na pahayag.
“Buong minority ang magpapatunay na huli na akong nakaalam at sumapi.
“Hindi malaking bagay sa akin ang mga diskurso at hindi pagkakaunawaan, basta’t para sa mga tamang dahilan.
“Noong ibinigay sa akin ang Committee on Foreign Relations, kahit hindi ako bahagi ng mayorya, ay lubos akong nagpasalamat kay Tito Sotto.
“At dahil kritiko ako ng pamahalaan ng aking kapatid, wala akong kahit katiting na inaasahan pagdating sa anumang pagkilos sa loob ng Senado.
“Mahalagang malaman ng liderato na ang pagpapalit ng SP ay napakaugong sa loob ng Senado dahil sa pangamba ng mga senador na nayayanig ang aming institusyon dahil sa mga kaso at kontrobersyang hindi dapat senador ang managot.”



