IBINALITA ni Vice President Sara ang kanyang ginawang pagbisita sa Zamboanga City, Western Mindanao kamakailan.

Aniya, “Matapos ang pagbisita natin sa Jolo Sulu ngayong araw ay agad tayong tumulak sa Zamboanga City upang makipag-usap at magpaabot ng pakikiramay at suporta sa pamilya ng mga nasawing pasahero lulan ng MV Trisha Kerstin 3 na lumubog sa karagatan ng Basilan noong Enero.
“Personal din nating kinamusta ang kalagayan ng mga survivors kabilang na ang dalawang sundalo na patuloy pang nagpapagaling sa ospital.
“Mga kababayan, patuloy nating ipagdasal na bigyang-lakas ng Panginoon ang lahat ng mga apektado sa trahedyang ito.”



