BUMAGSAK ang real Gross Domestic Product (GDP) growth sa pinakamababa nitong antas mula noong pandemya. Ano ang mga dahilan ng pagbagsak na ito? Kailan kaya makakabawi ang bansa?
Noong ikaapat na quarter ng 2025, lumagapak ang paglago ng GDP sa 3.8%, ang pinakamababang antas mula noong 2021. Dahil dito, bumagsak ang GDP growth sa 4.4% noong buong 2025, mas mababa kaysa sa 5-6% goal na GDP growth. (Table 1)
Anu-ano ang mga dahilan ng pagbagsak na ito?
Una, ang gross capital formation (GCF) ay nasadlak sa pinakamababa nitong antas na -2.1% mula noong pandemya. Ang pagtatayo ng mga paktorya, gusali at imprastruktura ay umurong ng -10.9% noong ikaapat na quarter ng 2025; hinila nito pababa ang growth rate ng buong taon sa negatibong antas sa unang pagkakataon simula noong pandemya. Dahil sa katiwalian sa pamahalaan na kung saan maraming empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay direktang nasangkot, ipinatigil ang konstruksyon ng maraming proyekto imprastruktura habang iniimbestigahan kung alin sa mga proyekto ay tinatawag na multo at substandard. Dahil dito, ang konstruksyon ng General Government ay umurong ng -41.9%, pinakamalalim na pagbagsak sa loob ng 14 na taon.
Ikalawa, dahilan sa maraming inputs ng GCF ay galing sa industriya, lumagapak din ang industry sector sa -0.9%, sa pinakamahina nitong antas sa loob ng limang taon. (Table 2) Bumagsak ang construction sa -7.1% noong ikaapat na quarter ng 2025; hinila rin nito pababa ang paglago sa buong taon sa negatibong antas na -0.2%. Ang construction ay tinaguriang growth driver ng Pilipinas dahil sa 11.0% na paglago bawat quarter sa loob ng 24 taon, inaasahang tagapagtulak sana sa mas mataas na antas ng kaunlaran ang sektor na ito. Ngunit taliwas sa inaaasahan, hindi ito nangyari noong 2025 dahil kailangang ayusin at linisin ng DPWH ang pamamahala ng mga proyekto nito.
Ikatlo, nakaranas din ng challenges ang exports of services ng Pilipinas na bumaba sa 1.6% noong ikaapat na quarter. Kasama rito ang call centers, data services, transcription services, atbp. Umurong ng 6.7% ang exports of electronics-aided services, ang pinakamalaking export service ng bansa. Dahil ito sa paghina ng antas ng world services trade sa 0.4%.
Ikaapat, ang household consumption na dating nagpapalakas sa ekonomiya ay nasadlak sa 4.6% mula sa 4.9% kahit na malago ang net primary income from abroad na umangat ng 19.1%. Hindi makagasta ang populasyon sa dati nilang kinokonsumo dahil hindi sila makalabas ng bahay bunsod ng kabi-kabilang mga disaster at pagsasara ang mga hotel at restawran dahil suspendido ang pasok.
Ngunit kahit na mahirap ang kapaligiran ng negosyo dahil sa mataas na interest rates at maraming balakid sa kalakalan, may mga sektor na patuloy ang paglago kahit na madilim ang kinasadlakan ng karamihan sa mga sektor ng ekonomiya. Ito ang mga tinatawag na bright spots ng ekonomiya.
Una, ang exports of goods ay lumago ng 14.4%. Halos lahat ng goods exports ng bansa ay lumago nang double-digit kasama ang ginto, electronics, machinery and equipment, fruits at vegetables, at garments.
Ikalawa, umangat ang agrikultura ng 3.1%, ang pinakamataas nitong antas sa loob ng pitong taon. Nakabawi ang mga bukirin at palaisdaan kahit na hinambalos ang mga ito ng 23 bagyo. Matindi ang sinapit ng sector ito noong nagkaroon ng magkasunod na El Nino at La Nina sa buong taon ng 2024.
Ikatlo, ang services sector ay bumandera pa rin ng 5.9% kahit na maraming araw ng trabaho ang nawala dahil sa mga suspensyon ng pasok sa trabaho bunsod ng mga bagyo at baha. Iyon nga lang, mas mababa ito kumpara sa 6.7% noong 2024. Halos lahat ng subsektor sa services ay humina. Ang mga pinakamalaki — trade ay bumaba sa 5.2% mula sa 5.6%; ang transportation sa 6.8% mula sa 8.9%; accommodation at food service sa 5.9% mula sa 10.4%; information at communication sa 3.6% mula sa 4.5%; real estate sa 4.5% mula sa 5.1%; finance and insurance sa 5.8% mula sa 8.9%; professional and business services sa 4.8% mula sa 7.9%; at other services sa 6.7% mula sa 9.3%. Ngunit may ilang maliliit na subsektor na nakaranas ng paglago — public administration sa 8.0% mula sa 4.2%; education sa 8.4% mula sa 4.4%; at human health and social work sa 11.6% mula sa 10.9%.
Ikaapat, umangat ang government consumption sa 9.1% mula sa 7.3%. Ang pinakamalaking dahilan nito ay ang pagdadala ng ayuda at serbisyo sa mga taumbayan dahil halos walang humpay ang pananalasa ng mga bagyo, lindol at iba pang sakuna.
Malungkot na di naabot ng bansa ang low-end ng revised growth projection na 5%; ngunit ang bansa na dati ay pumangalawa sa Asean sa GDP growth mula noong 2021 hanggang sa unang kalahati ng 2025 ay nahulog sa ikaapat na puwesto. Nauna ang Vietnam sa projected 8.0% growth; pumangalawa ang Indonesia sa 5.2%; at pangatlo ang Malaysia sa 4.9%. Mas mababa lang ang Singapore sa 4.0% at Thailand sa 2.2%.
Kapag mabilis ang aksyon sa mga imbestigasyon ng katiwalian, maaaring malilinis ng pamahalaan ang imbentaryo ng mga proyekto, at mabilis ding maibabalik ang productivity ng mga imprastruktura at ng ekonomiya. Masusubukan ang katatagan ng bansa sa gitna ng sandamakmak na suliranin.
Sa kabila nito, inaasahan ng International Monetary Fund (IMF) na babalik sa 5.8% ang GDP growth rate sa Pilipinas sa 2027.
| Table 1. Gross National Income and Gross Domestic Product, by Expenditure | ||||
| 2024-2025 | ||||
| Growth Rates, at Constant 2018 Prices | ||||
| 2024 | 2025 | Annual Growth | ||
| Expenditure | Q4 | Q4 | 2023 – 2024 | 2024 – 2025 |
| 01. Household final consumption expenditure | 4.7 | 3.8 | 4.9 | 4.6 |
| 02. Government final consumption expenditure | 9.0 | 3.7 | 7.3 | 9.1 |
| 03. Gross capital formation | 5.5 | -10.9 | 7.7 | -2.1 |
| A. Gross fixed capital formation | 5.0 | -7.2 | 6.3 | 0.5 |
| 1. Construction | 7.7 | -10.1 | 10.4 | -1.0 |
| 2. Durable equipment | 1.4 | -2.6 | -0.5 | 4.6 |
| 3. Breeding stocks and orchard development | -3.2 | -2.3 | -1.7 | -1.9 |
| 4. Intellectual property products | 3.9 | 2.1 | 3.4 | 4.4 |
| B. Changes in inventories | ||||
| C. Valuables | 18.2 | -6.9 | -5.9 | 3.6 |
| 04. Exports of goods and services | 3.2 | 13.2 | 3.3 | 8.1 |
| A. Exports of goods | -4.3 | 22.8 | -0.7 | 14.1 |
| B. Exports of services | 13.2 | 2.5 | 7.9 | 1.6 |
| 05. Less : Imports of goods and services | 2.7 | 3.5 | 4.2 | 5.1 |
| A. Imports of goods | 2.4 | 3.3 | 1.8 | 4.7 |
| B. Imports of services | 3.5 | 4.2 | 12.0 | 6.1 |
| Gross Domestic Product | 5.3 | 3.0 | 5.7 | 4.4 |
| Net primary income from the rest of the world | 14.7 | 10.9 | 26.6 | 19.1 |
| Gross National Income | 6.3 | 3.9 | 7.7 | 6.1 |
| Source: Philippine Statistics Authority | ||||
| Table 2. Gross National Income and Gross Domestic Product, by Industry | ||||
| Q1 2024 to Q4 2025 and Annual 2024 to 2025 | ||||
| Growth Rates, at Constant 2018 Prices | ||||
| 2024 | 2025 | Annual | ||
| Industry | Q4 | Q4 | 2023 – 2024 | 2024 – 2025 |
| Agriculture, forestry, and fishing | -1.6 | 1.0 | -1.5 | 3.1 |
| Industry | 4.5 | -0.9 | 5.6 | 1.5 |
| 01. Mining and quarrying | -4.1 | 5.3 | 1.2 | 2.5 |
| 02. Manufacturing | 3.3 | 1.6 | 3.7 | 2.5 |
| 03. Electricity, steam, water and waste management | 5.7 | -1.6 | 7.3 | 0.2 |
| 04. Construction | 7.7 | -7.1 | 10.2 | -0.2 |
| Services | 6.7 | 5.2 | 6.7 | 5.9 |
| 01. Wholesale and retail trade | 5.4 | 4.6 | 5.6 | 5.2 |
| 02. Transportation and storage | 9.5 | 5.0 | 8.9 | 6.8 |
| 03. Accommodation and food service activities | 6.3 | 5.9 | 10.4 | 5.9 |
| 04. Information and communication | 2.7 | 2.1 | 4.5 | 3.6 |
| 05. Financial and insurance activities | 8.3 | 5.6 | 8.9 | 5.8 |
| 06. Real estate and ownership of dwellings | 3.1 | 4.5 | 5.1 | 4.5 |
| 07. Professional and business services | 8.2 | 2.1 | 7.9 | 4.8 |
| 08. Public administration and defense; compulsory social security |
7.2 | 7.9 | 4.2 | 8.0 |
| 09. Education | 6.8 | 7.8 | 4.4 | 8.4 |
| 10. Human health and social work activities | 12.1 | 11.5 | 10.9 | 11.6 |
| 11. Other services | 10.9 | 7.1 | 9.3 | 6.7 |
| Gross Domestic Product | 5.3 | 3.0 | 5.7 | 4.4 |
| Net primary income from the rest of the world | 14.7 | 10.9 | 26.6 | 19.1 |
| Gross National Income | 6.3 | 3.9 | 7.7 | 6.1 |
| Source: Philippine Statistics Authority | ||||



