29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

PBBM nakiramay sa kauna-unahang Pilipinong nasawi sa nagaganap na giyera sa Gitnang Silangan

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGPAYAHAG ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasunod ng kumpirmasyon ng unang Pilipinong nasawi sa nagaganap na giyera sa Middle East.

Larawan mula sa Facebook page ng Presidential Communications Office

Ayon sa Pangulo, ibibigay ng pamahalaan ang lahat ng kinakailangang tulong sa pamilya ni Mary Anne Velazquez Rivera, isang caregiver mula Pangasinan na nasawi sa Israel habang sinisikap iligtas ang kanyang alaga. Patuloy ang pagbabantay ng pamahalaan sa kalagayan ng mga Pilipino sa rehiyon.

Ligtas na lugar

Nauna rito, iniulat ng Pangulo nitong Linggo na ang mga Pilipino sa Middle East ay nailipat na sa mga ligtas na lugar, kung saan marami sa kanila ang tumutuloy sa itinalagang mga bomb shelter, habang patuloy na tumatanggap at nagmomonitor ang pamahalaan ng mga ulat ukol sa palitan ng pag-atake na kinasasangkutan ng Israel, Estados Unidos, at Iran, batay sa mga ulat mula sa mga embahada ng Pilipinas sa nasabing rehiyon.

“Sa palagay ko po ay nabalitaan niyo na po na binomba ng Israel at saka ng Amerika ang Iran. At ang Iran naman ay sumagot at nagbomba naman ng mga American base sa United Arab Emirates, sa Bahrain, sa Oman at siyempre sa Israel. Alam naman natin na napakarami ang mga Pilipino diyan sa bandang Middle East. I’m sure nag-aalala kayo sa inyong mga kilala, mga kaibigan at mga kaanak na nandoon,” sabi ni Pangulong Marcos sa isang video message.


Binigyang-diin ng Pangulo na mula nang magsimula ang hidwaan, mahigpit na minomonitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa Middle East, kung saan ang mga embahada ng Pilipinas at mga labor attaché ay inilagay sa heightened alert simula hapon ng Sabado upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa rehiyon.

Ayon kay Pangulong Marcos, nananatiling alerto ang mga ahensya ng pamahalaan habang patuloy na umuunlad ang sitwasyon sa Middle East, at binigyang-diin niya ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na pagmamanman upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipino sa rehiyon. Halaw sa mga ulat ng Presidential News Desk

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -