29.1 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Lacson nais pabilisin ang mga mekanismo upang matugunan ang tumataas na presyo ng langis

- Advertisement -
- Advertisement -

NAIS ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson na pabilisin ang mekanismo ng pamahalaan upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, lalo na sa gitna ng unstable na presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dulot ng tensyon sa Middle East.

Partikular na itinutulak ni Lacson ang pag-amyenda sa probisyon ng National Internal Revenue Code (NIRC) upang paikliin ang “wait period” bago masuspinde ang excise tax sa fuel.

“Ang gusto ko doon, hindi lang emergency power. Gawin nating permanent amendment sa NIRC at iksian ang panahon, especially ngayon dahil may gulo sa Middle East. Hindi tayo makahintay ng tatlong buwan bago ma-suspend ang imposition ng excise tax,” aniya sa panayam sa DZMM.

Binanggit din ni Lacson na nag-expire na noong 2020 ang probisyon sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law na nagpapahintulot na suspindihin ang excise tax sa fuel kapag lumampas sa $80 ang presyo ng Dubai crude oil.

Sa ilalim ng Article 148 ng NIRC, para sa 2018 hanggang 2020, ang nakatakdang pagtaas ng excise tax sa fuel ay isinususpinde kapag ang average na presyo ng Dubai crude oil sa loob ng tatlong buwan bago ang nakatakdang pagtaas sa isang buwan ay umabot o lumampas sa $80 kada bariles.

“Kailangan hindi automatic, pero bigyan ng leeway ang executive or DOF na i-suspend na kaagad. Huwag maghintay ng three months, o 90 days, baka patay na ang kabayo, nagmahal na ang langis hindi pa tayo nag-suspend,” ani Lacson.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -