34.6 C
Manila
Miyerkules, Hunyo 17, 2026

Dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dumalo sa OVP Pop-Up Exhibit

- Advertisement -
- Advertisement -

MASAYANG ibinalita ni Vice President Sara  Duterte na dumalo si dating Pangulong Gloria Macapagal Aroyo, ngayon isang representative, sa “EXTRA+Ordinary: The Vice Presidents of the Philippines” Pop-Up Exhibit sa Abreeza Ayala Malls, Davao City.

Narito ang ulat ni Vice Sara: “Masaya nating ibinahagi sa mga Dabawenyo ang “EXTRA+Ordinary: The Vice Presidents of the Philippines” Pop-Up Exhibit kasabay ng pagbubukas nito sa publiko sa Abreeza Ayala Malls, Davao City.

“Kasama ang dating pangalawang Pangulo at ngayo’y kinatawan ng ikalawang distrito ng Pampanga na si Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, ay nilibot namin ang exhibit—na nagbigay-buhay sa mga iniwang legasiya ng mga nagsilbing pangalawang pangulo at ang siyam na dekadang paglilingkod ng tanggapan sa bayan tungo sa mas maunlad na Pilipinas.

“Ipinapaabot natin sa pamunuan ng Abreeza Ayala Malls ang ating pasasalamat sa pagbibigay nila ng lugar para sa ating Pop-Up Exhibit, gayundin sa ating mga kasamahan sa tanggapan sa kanilang dedikasyon at serbisyo upang maging matagumpay ang ating aktibidad.

“Labaw sa tanan, ang akong kinasingkasing nga pagpasalamat sa tanang mga Dabawenyo ug sa uban pa alang sa inyong gugma, pagsalig, ug padayon nga suporta alang kanako ug sa among opisina. Giawhag ko kamo nga bisitahon ang uban pang ipahigayon nga OVP Pop-Up Exhibit sa nasod.

“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -