29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Durugin na ng Iran ang Amerika o kung hindi, wasak ang Pilipinas 

ULTIMONG BIGWAS

- Advertisement -
- Advertisement -

WALANG kaabug-abog, dagsa ang mga tropang Amerikano sa Lumbia Airbase sa Cagayan de Oro. Isang observer sa social media ang nagpahayag ng pagkaalarma rito.

Agad niya itong iniugnay sa nangyayaring digmaan sa pagitan ng tambalang Estados Unidos-Israel at Iran sa Gitnang Silangan.

Matalas makiramdam ang nabanggit na observer. Ang Lumbia Airbase ay isa sa siyam na nangagkakandili ng base militar ng Amerika sa Pilipinas, na kung tawagin ay baseng EDCA (Enhanced Defense Cooperation Agreement), tratadong nagkakaloob sa Amerika ng karapatan na magdeploy ng mga tropa at mga kagamitang pandigma mismong sa loob ng mga tukoy na kampo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ang Lumbia Airbase ay ganun.  Mangyari pa, ang pagdagsa ng mga tropang Amerikano sa Lumbia Airbase ay alinsunod sa mga nakagawiannang mga pagsasanay sa pagtugon sa mga pananalasang kalikasan tulad ng bagyo.

Subalit ang  deployment sa Lumbia Airbase ay nagaganap sa malawakang pagtindi ng gulo sa Gitnang Silangan na kabilang sa mga pangunahing puntirya ng Iran ay mga base militar ng Amerika sa iba’t-ibang bansang Gulf Region tulad ng Qatar, Bahrain, Kuwait, United Arab Emirates, Iraq, alin pa?


Ang paglansag sa mga baseng ito ay isa sa mga pangunahing kondisyon ng Iran upang wakasan ang digmaan. Pangalawang kondisyon ay ang katiyakan na hindi siya muling gagambalain ng Estados Unidos. At ang pangatlong kondisyon ay ang kabayarang $500 bilyong sa mga  pinsalang likha ng Amerika sa Iran.  Kaingat ang Iran.  Leksyon ng kasaysayan na traydor makipag-usap ang Amerika. Pinasabog ng Amerika ang sailing barkong USS Maine upang katwiranan ang pakikipaggiyera sa Espanya noong 1898, na nagpanimula sa Amerika bilang kapangyarihang kolonyal.

Ipinamarali sa publikong Amerikano ang gawa-gawang Gulf of Tunkin Incident upang kunin ang pagsang-ayonng sambayanang Amerikano sa pakikialam nito sa Vietnam War noong 1964.

Ayon sa kasinungalingan, intake ng Vietcong ang dalawang destroyer ng Amerika sa Gulf of Tonkin, na dahilan  upang pumasok na sa Vietnam War ang Amerika.   Sa isang kinalaunan na imbestigasyon ng Senado ng Estados Unidos, lumitaw na malaking kasinungalingan ang nasabing insidente, na gawa-gawa nga lamang ito upang makapakialam ang Amerika sa giyera sa Vietnam.

Sa 9/11 Attacks, sinalpok ng eroplano ng mga Al Qaedaterorista ang New York Twin Tower at kumitil ng 3,000 buhay. Lumitaw sa imbistigasyon na ang bali ng mga bakal ng mga haligi ng mga tower  ay mula sa loob imbes na mula sa labas – na may marka pa ng panlalagari mula loob.  Sadya ang pagpapaguho sa Twin Tower, hindi dulot ng salpok ng eroplano – na isang palabas lamang.  Isa pang eroplano ang umatake naman sa Pentagon.  Nang ibalita ito kay Presidente George Bush, nagkibit lamang ito ng balikat.  Kausap ni Bush ang pinsan ni Osana Bin Laden, ang liderng Al Qaeda na may kagagawan sa 9/11 Attacks.

- Advertisement -

Ang mga pag-atakeng ito ang kumumbinsi sa sambayanang Amerikano na payagan ang pananalakay ng Amerika sa Iraq na nagbunga ng pagbitay kay Saddam Hussein.  Hindi sa usapan dapat daanin ang pagwakas ng giyera.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -