26.2 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Gatchalian: Wala nang gurong magreretiro bilang Teacher I

- Advertisement -
- Advertisement -

WALA nang guro ang magreretiro bilang Teacher I. Ito ang tiniyak ni Senador Win Gatchalian sa gitna ng plano ng Department of Education (DepEd) na mag-promote ng 100,000 na public school teachers at school heads ngayong taon.

 

Ayon kay Gatchalian, ang inaasahang promotion ng mga guro at punong-guro ay sang-ayon sa pagpapatupad ng Career Progression System for Public School Teachers and School Leaders Act (Republic Act No. 12288) na nagpapalawak ng mga oportunidad para sa mga guro at punong-guro pagdating sa kanilang karera. 

 

Sa ilalim ng naturang batas, ginawang institutionalized ang  Career Progression System upang maglikha ng mga bagong posisyon tulad ng Teacher IV, Teacher V, Teacher VI, Teacher VII, Master Teacher V, Master Teacher VI, at School Principal V.

 

“Ngayong mas marami nang oportunidad para sa pag-angat ng karera ng ating mga guro, mas matutulungan natin silang umunlad at magtagumpay sa kanilang propesyon. Mahalagang itaguyod natin ang kapakanan ng ating mga guro lalo na’t sila ang may pinakamahalagang papel sa edukasyon ng ating mga kabataan,” ani Gatchalian, sponsor at co-author ng naturang batas.

 

Mandato rin ng batas sa DepEd ang pagkakaroon ng malinaw na pamantayan sa promotion ng mga guro at mga school leaders. 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -