INANUNSIYO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pansamantalang suspensyon ng fare hike upang hindi madagdagan ang gastos ng commuters sa gitna ng oil crisis.
Magkakaroon ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel at piling PUV routes, may diskwento sa MRT at LRT, at bawas sa toll fees, habang pinalalakas ang suporta sa transport workers upang tuloy-tuloy ang tulong sa bawat Pilipino.
Ayon kay PBBM, “Hindi ito ang panahon para dagdagan pa ang gastos ng ating mga commuter. Kaya ipinag-utos ko sa DOTr na ipagpaliban muna ang fare hike.
“Sa halip, pagagaanin natin ang araw-araw na biyahe. May libreng sakay, may diskwento sa pamasahe, at may dagdag na suporta para sa ating mga transport workers.
”Gagawin natin ang lahat para manatiling maayos at tuloy-tuloy ang biyahe ng bawat Pilipino.”

