30.6 C
Manila
Huwebes, Hunyo 18, 2026

Kakulangan ng nagkakaisang contingency plan ng mga ahensiya ng gobyerno sa gitna ng Middle East Crisis pinuna ni Gatchalian

- Advertisement -
- Advertisement -

PINUNA ni Senador Win Gatchalian ang mga ahensya ng pamahalaan dahil sa kawalan ng klaro, nagkakaisa, at komprehensibong national contingency plan mahigit tatlong linggo na mula noong pumutok ang gyera sa Gitnang Silangan.

“Parang hanggang ngayon, nagde-debate pa tayo kung may krisis o hindi. Sa amin dito sa Senado, nasa krisis na tayo,” ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Finance at ng Proactive Response and Oversight for Timely and Effective Crisis Strategy (PROTECT) panel ng Senado.

“Nakakagulat lang na 25 araw na mula noong nagkagyera sa Middle East, wala pa tayong national contingency plan,” pahayag niya sa unang public hearing ng PROTECT.

“Kahit meron tayong suplay ng gasolina at diesel ngayon, ang problema ay hindi natin tiyak kung may darating pang panibagong stock kapag naubos na. Kung uncertain ang suplay, para sa akin krisis na iyon,” pagdidiin ni Gatchalian.

Binanggit ng senador na ang sigalot sa Gitnang Silangan ay nagdulot ng iba’t ibang pangamba, kabilang ang suplay ng langis at gas, ang kaligtasan at seguridad ng mga OFW, ang epekto ng inflation sa mga pangunahing bilihin gaya ng pagkain, at ang mga programang pang-ayuda.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -