BUMISITA si Vice President Sara Duterte sa mga bagong panganak sa Zamboanga Medical Center sa Zamboanga City.

Ayon sa ikalawang pangulo, “Kasiyahan ang dala sa akin ng nakumusta at nakausap ko ang mga bagong panganak na ina nang bumisita tayo sa Zamboanga Medical Center noong nakaraang buwan.
“May nakilala tayong isang nanay, at labis ang aking kasiyahan nang nabigyan tayo ng pagkakataon na makapagbigay ng suhestiyon sa ipapangalan sa sanggol.
“Lagi nating paalala sa mga magulang ang kahalagahan ng family planning, lalo’t dito nakasalalay ang kinabukasan ng ating mga anak.
“Hinihikayat din natin ang mga nanay na magpa-prenatal checkup upang masigurong maayos ang pagbubuntis at ang kalagayan ng batang dinadala nila. Libre ito sa mga Rural Health Unit at Barangay Health Stations sa ating mga lugar.
“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat pamilyang Pilipino.”



