NASA krisis na naman tayo. At tulad noong pandemya — kung saan bilyon-bilyong piso ang nawala sa Pharmally scandal — hindi malayong may mga muling magtatangkang manamantala.
Kaya malinaw ang panawagan: 𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻. Base sa karanasan natin bilang Chairman ng National Food Authority (NFA) Council, 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗶𝗽𝗶𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮 𝗻𝗴 ₱𝟳 𝗯𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗴𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 natin 𝗮𝗻𝗴 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁-𝘁𝗼-𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝟮𝗚) 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗴𝗮𝘀. Walang tongpats, walang kickback.
Sa Philippine National Oil Company na humihingi ng ₱𝟴 𝗯𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻, sa Philippine Planters Inc., Food Terminal Inc., Bureau of Customs — dapat malinaw sa publiko: 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘃𝗼𝗹𝘂𝗺𝗲? 𝗔𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝘀𝘆𝗼? Saan galing ang iimport?
Sa ngayon, may karagdagang ₱𝟮𝟬 𝗯𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻 para sa importasyon ng langis na inilaan ng Department of Budget and Management sa mula sa Malampaya Gas Fund upang tiyakin ang suplay ng fuel at maibsan ang epekto ng global oil crisis. Mayroon ding ₱𝟱𝟬𝟬 𝗺𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻 para sa biofertlizer mula sa Quick Response Fund ng Department of Agriculture.
𝗠𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗻𝗱𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮 — 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗴𝗽𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆.
Mula sa ating karanasan, 𝗶𝗻𝗮𝗮𝗯𝘂𝘀𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗴𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆. May mga nag-o-over import, may nag-o-overprice, at may kumikita sa gitna ng krisis.
Kaya nananawagan tayo sa PROTECT Committee ng Senado: 𝗜-𝗿𝗲𝗾𝘂𝗶𝗿𝗲 𝗮𝗻𝗴 𝗿𝗲𝗴𝘂𝗹𝗮𝗿 𝗻𝗮 𝗿𝗲𝗽𝗼𝗿𝘁𝗶𝗻𝗴, 𝗳𝘂𝗹𝗹 𝘁𝗿𝗮𝗻𝘀𝗽𝗮𝗿𝗲𝗻𝗰𝘆, 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗻𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝘂𝗽𝗱𝗮𝘁𝗲𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗴𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗲𝗺𝗲𝗿𝗴𝗲𝗻𝗰𝘆 𝗳𝘂𝗻𝗱𝘀. Magkano ba talaga ang kailangan? 𝗦𝗶𝗴𝘂𝗿𝘂𝗵𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮𝗴-𝗼-𝗼𝘃𝗲𝗿 𝗶𝗺𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗮𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗹𝘂𝗹𝘂𝗴𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻. Mainam magkaroon ng transparency dashboard portal ang UPLIFT Committee para mamonitor ang paggasta sa mga pondo at paggamit ng mga commodity.
Hindi pwedeng ang default na solusyon ay importasyon agad. Dapat sabayan ito ng 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗴𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝘀𝗺𝘂𝗴𝗴𝗹𝗶𝗻𝗴, 𝗵𝗼𝗮𝗿𝗱𝗶𝗻𝗴, 𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗼𝗳𝗶𝘁𝗲𝗲𝗿𝗶𝗻𝗴.
Huwag nating hayaang maulit ang mga anomalya ng nakaraan. 𝗕𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗯𝗮𝗿𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗱𝘂𝗺𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴, 𝗯𝗮𝘄𝗮𝘁 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗶𝗽𝗶𝗿𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 — 𝗽𝗲𝗿𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘂𝗺𝗯𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝘆𝗮.



