29.5 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Relatibong presyo at ang presyo ng diesel

BUHAY AT EKONOMIYA

- Advertisement -
- Advertisement -

KAMAKAILAN lumabas sa social media ang pahayag ngisang Kongresista tungkol sa depresasyon ng PH piso na umabot na sa P60 sa bawat isang US dolyar noong nakaraang linggo. Aniya “hindi humihina ang PH piso bagkus ay lumalakas ang US dolyar”.

Marahil ang ibig sabihin ng Kongresista na hindi humihina ang PH piso dahil ang depresasyon ng PH piso ay hindi nagmula sa kahinaan ng mga kalagayang ekonomiko tulad ng paglala ng BOP deficit ng Pilipinas. Samantala, ang ibig niyang ipahiwatig na lumalakas ang US dolyar ay nagiging atraktibong salaping nais hawakan ng mga negosyante sa buong mundo sa kasalukuyang mapanganib na panahon.

Ngunit sa pagsusuring ekonomiko, kahit ang presyo ng saging ay hindi nagbabago ngunit ang presyo ng mangga ay tumataas, ang relatibong presyo ng saging ay bumababa. Kahit ang mga produkto ay may absolutong presyo, ginagamit pa rin ang relatibong presyo sa pagsusuring ekonomiko upang malaman ang direksyon ng alokayon ng yaman bunga ng pagbabago ng relatibong presyo. Sa halimbawang ito, dahil bumababa ang presyo ng saging relatibo sa presyo ng mangga ang mgamamimili ay magdaragdag ng kanilang pagkonsumo ng sagingat babawasan ang pagkonsumo ng mangga upang mapataas ang kanilang kasiyahan. Sa pananaw ng mga suplayer, ang pagtaasng relatibong presyo ng mangga ay mag-eenganyo ang mgasuplayer magdagdag ng mangga sa kanilang ibinebentang prutasat bawasan ang pagbebenta ng saging upang mapataas ang kanilang tubo.

Ang depresasyon ng PH piso ay nagmumula sa pagnanais ng mga negosyante na humawak ng US dolyar sa halip na PH piso bunga ng mga mapanganib ng panahon. Dahil sa digmaan sa Gitnang Silangan inaasahang tataas ang demand sa paghawak ng US dolyar dahil itinuturing itong mas ligtas na salapi kaysa PH piso sa panahon ng mapanganib na digmaan dahil ito ang salaping ginagamit ng pinakamalaking ekonomiya sa mundo at kaya ng ekonomiya ng Estados Unidos na harapin ang mgapanganib na dulot ng digmaan sa Gitnang Silangan. Samantala, ang ekonomiya ng Pilipinas ay napakaliit kung ihahambing saekonomiya ng Estados Unidos kaya’t madali itong maapektuhanng mga panganib ng digmaan na magpapababa sa paghawak ng PH piso.

Dahil dito, ang lumalaking demand sa US dolyar at lumiliit nademand sa PH piso ay mauuwi sa depresasyon ng PH piso dahilang relatibong presyo PH piso kung ihahambing sa presyo ng US dolyar ay bumababa kaya’t nanaisin ng mga negosyante nahumawak ng US dolyar at bawasan ang paghawak ng PH piso.


Isa pang aplikasyon ng relatibong presyo ay ang pagprepresyong diesel sa kasalukuyan. Nagrereklamo ang isang senador at ibamamamayan kung bakit tumaas ang presyo ng diesel na umabotna sa P140 bawat litro samantalang ang istak o imbentaryong diesel ng mga kompanya ng langis ay nabili lamang sahalagang PHP 50 bawat litro. Sa kanilang pananawpinagsasamantalahan ng mga kompanya ng langis ang mgamamamimili dahil tumutubo sila nang malaki.

Ang paliwanag kung bakit naniningil sila ng PHP 140 sa halipna PHP 50 ay dahil ang presyo sa bilihan ng diesel ay tumaasrelatibo sa presyo nito sa aklat ng kwentahan ng kompanya. Halimbawa, kung ang kapasidad ng imbakan ng kompanya ng langis ay nasa 10,000 litro, ang halaga kanilang istak na nakatalasa kanilang aklat ng kwentahan ay nasa P500,000 lamang.  Sa pananaw ng mga kritiko pinagsasamantalahan ng mgakompanya ng langis ang mga mamimili dahil ipinagbibili nilaang kanilang istak sa halagang PHP 140 bawat litro kaya’t ang benta nila ay umaabot sa P1,400,000 na nauuwi sa tubong P900,000.

Ngunit ayon sa kompanya ng langis hindi sila tumutubo. Upang ipaliwanag sa publiko ang pananaw na ito ginagamit ng mgakompanya ng langis ang konsepto ng replacement cost. Ang replacement cost ay ang halagang kailangan ng kompanya ng langis upang mapanumbalik ang kanilang istak ng diesel. Kapagipinagbili nila ang 10,000 litrong imbentaryo ng diesel sahalagang PHP 140 bawat litro kikita sila ng P1,400,000.  Sa halagang ito makabibili sila ng 10,000 litro ng diesel. Nagpapahiwatig na napanunumbalik lamang nila ang kapasidadnilang mag-imbak ng diesel. Dahil ang tubong sinasabi ng mgakritiko ay ginamit nila upang mapanumbalik ang dating imbentaryo ng diesel.

Kung ipagbibibli nila ang kanilang imbentaryo ng diesel sapresyo sa aklat ng kwentahan na  P50 bawat litro makalilikom lamang sila ng halagang P500,000 namakabibili lamang ng 3,571.43 na litro ng diesel. Samakatuwid, malulugi sila kapag ito ay isinagawa dahil ang 10,000 litro ng diesel na ipinagbili nila ay bumabalik lamang sa kanila ng 3,571.43 litro.  Kung ganito ang mangyayari liliit ang kanilangistak at lalong magiging kapos ang diesel.

- Advertisement -

Samakatuwid, hindi nananamantala ang mga kompanya ng langis bagkus ay pinatatatag lamang nila ang suplay ng langis sa pagprepresyo ayon sa replacement cost.

Sa dalawang halimbawa sa itaas naipakita nating ang paggamitng relatibong presyo sa pagtukoy sa alokasyon ng mga yaman.

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -