29.2 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Lacson, suportado ang joint oil at gas exploration sa China, na may 60-40 safeguard

- Advertisement -
- Advertisement -

DAHIL sa patuloy na panganib sa pandaigdigang suplay ng langis bunsod ng sigalot sa Gitnang Silangan, sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson nitong Linggo na dapat pag-aralan ng administrasyong Marcos ang posibilidad ng joint energy venture sa China, kabilang ang sa West Philippine Sea

Gayunman, iginiit ni Lacson na ang anumang ganitong kasunduan ay dapat mahigpit na sumunod sa 60-40 na probisyon sa pagmamay-ari ng dayuhan na nakasaad sa Saligang Batas ng Pilipinas.

“Yes. Four-square behind, sinusuportahan ko. Kasi sayang eh. Yayaman tayo doon,” ani Lacson sa panayam sa DZBB, nang tinanong kung dapat ikonsidera ng administrasyong Marcos ang joint exploration.

Sa ilalim ng Seksyon 2, Artikulo XII ng 1987 Konstitusyon, ang Estado ay maaaring pumasok sa co-production, joint venture, o production-sharing agreements sa mga mamamayang Pilipino, o sa mga korporasyon o asosasyon na hindi bababa sa animnapung porsyento ng kapital ay pag-aari ng mga naturang mamamayan.

Ayon kay Lacson, bagama’t ipinapakita ng mga impormasyon na mayaman ang West Philippine Sea sa natural gas at langis na makatutulong sa pagtugon sa pangangailangan sa enerhiya ng bansa, kulang ang Pilipinas sa teknikal at pinansyal na kakayahan upang magsagawa ng eksplorasyon nang mag-isa. Sa kabilang banda, aniya, taglay ng China ang teknolohiya at kagamitang kinakailangan para sa ganitong operasyon.

Binalikan din niya na sa panahon ng administrasyon ni Rodrigo Duterte, tinalakay niya kasama sina dating Senate President Vicente Sotto III at dating Senador Gregorio Honasan II ang usapin kay Pangulong Duterte, na ayon sa kanya ay “very supportive” sa naturang inisyatiba.

“Ang mahalaga lang sa atin, on paper sa agreement, sa MOA or whatever na pipirmahan, maliwanag emphasized doon 60-40. Pag pumayag ang China, panalo na tayo dahil ibig sabihin nire-recognize nila ang sovereignty ng Pilipinas sa West Philippine Sea o kung saan man ang area na ma-explore,” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -