27.3 C
Manila
Sabado, Hulyo 25, 2026

Pasko ng Pagkabuhay: Ang magandang balita na masidhing kailangan ng mundo ngayon

- Advertisement -
- Advertisement -
MARIING sinabi ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na ang muling pagkabuhay ni Hesukristo ngayong Pasko ng Pagkabuhay ay  “magandang balita na masidhing kinakailangan ngayon ng mundo.”
Sa kanyang mensahe para sa Pasko ng Pagkabuhay nitong Sabado, inilarawan ni Advincula na ang muling pagkabuhay ni Kristo ang “pinaka-rebolusyonaryong mensahe ng Kristiyanismo,” na binibigyang-diin kung paano ang Kanyang muling pagkabuhay mula sa mga patay ay nagdudulot ng liwanag sa mga mananampalataya sa mga sandali ng kadiliman kung saan ang giyera ay kasalukuyang nangyayari sa pagitan ng Amerika- Israel at Iran.
Ano ba ang ibig sabihin ng Pasko ng Pagkabuhay?

Ang Pasko ng Pagkabuhay o Linggo ng Pagkabuhay,  ayon sa Kristiyanismo, ay ang araw ng pagbangon ni Hesus mula sa Kanyang kamatayan.

Noong patay na siya, inilibing si Hesus sa libingang malapit sa Kalbaryo, dahil ipinako siya sa araw bago ang “Araw ng Pamamahinga”, o “Sábado”, dahil bawal sa araw na iyon ang pagtatrabaho gaya ng paglibíng. Dumaan ang Araw ng Pamamahinga, at nabuhay muli si Hesus noong susunod na araw. Ayon sa Bibliya, nabuhay siyang mag-uli noong madaling-araw ng Linggo (ayon sa kasalukuyang pagkaunawa sa araw).
Sa Ebanghelyo ni Lucas, Kabanata 24, Talata 1 nakalagay: “Umagang-umaga ng araw ng Linggo, ang mga babae’y nagtungo sa libingan, dalá ang mga pabangong inihanda nila.” Ang mga babaeng binanggit ay siná María Magdalena, Salome, Maríang Ina ni Santiago, at iba pa. Nakakita sila ng dalawang anghel sa dapat na kinaroroonan ng bangkay ni Hesus.
Sabi ng mga anghel: “Bakit ninyo hinahanap ang buhay sa gitna ng patay? [Wala na Siya rito- Siya’y muling nabuhay!] Alalahanin ninyo ang sinabi Niya sa inyo noong nasa Galilea pa Siya:’ Ang Anak ng Tao ay kailangang maipagkanulo sa mga makasalanan at maipako sa krus, at sa ikatlong araw ay muling mabuhay.’ ” (Lucas 24:5-7). Isa pang bersiyon nito na mahahanap sa Ebanghelyo ni San Juan ay si Maria Magdalena ang unang nakatuklas na wala ang katawan ni Hesus sa libingan at siya ang nag-ulat ng pangyayaring ito sa mga Apostol. Matapos iulat niya ito sa Apostol at bumisita si San Pedro at ang alagad na mahal ni Hesus, umiyak siya sa harap ng libingan. Tinanong siya ng mga anghel na naroon kung bakit siya umiiyak at sinabi niya na kinuha ang katawan ni Hesus at hindi niya alam kung nasaan na ito.
Lumingon siya at nakita si Hesus, ngunit hindi niya alam na Siya iyon. Tinanong siya ni Hesus kung bakit siya umiiyak, at sagot niya sa akala niya’y tigapangalaga ng mga halaman: “Ginoo, kung kayo po ang kumuha sa Kaniya, ituro ninyo sa akin kung saan ninyo dinala at kukunin ko.”(Juan 20:15). Biglang sinabi ni Hesus sa kaniya: “Maria!”(Juan 20:16), at doon nalaman niya na si Hesus iyon. Tumugon si Maria Magdalena ng :”Raboni!”, o “guro!” (Juan 20:16). Matapos ito sabi ni Hesus na huwag Siyang hawakan, sapagkat hindi pa Siya pumupunta sa Ama sa langit.
Kordero ng Diyos
Noong unang panahon, ipinagdiriwang ng mga Hudyo ang kapistahan na Pesah (Ebreo) dahil sa pagkakaligtas ng mga Ebreo mula sa Ehipto. Nagmula ang pangalan nitong Kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura sa pagsasagawa ng hindi paggamit ng pampaalsa o lebadura sa paggawa ng tinapay sa loob ng linggong ito. Isinasagawa ito mula ika-15 hanggang ika-22 araw sa buwan ng Nisan, na nasa unang mga linggo ng Abril. Sa Bibliya, matatagpuan ito sa Kabanata 13 ng Aklat ng Eksodo.

Kabílang sa oras ng pagkain o selebrasyong ito ang Kordero ng Paskuwa o Batang Tupa (kilalá sa Ingles bílang Passover Lamb). Batay sa kasaysayan, pumatay ng isang batang tupa, ang kordero,, ang mga Hudyo noong unang Paskuwa at inilagay o ipinahid ang dugo nito sa salalayan o balangkas (palibot na patigas) ng mga pinto ng mga bahay ng mga tao upang “dumaan sa ibabaw” (pariralang “pass over” sa Ingles) ng tahanan ng mga tao ang Diyos at masagip, maligtas, o hindi masali sa kukuhaning mga búhay ng Diyos ang kanilang mga panganay na anak na laláki.  Pinatay ng Angel ng Kamatayan ang lahat ng mga panganay sa mga tahanan ng mga Ehipsiyo, subalit dumaan lámang ito sa ibabaw at hindi kinuha o pinaslang ang mga nasa tahanang Ebreo.

Ayon sa Bagong Tipan ng Bibliya, si Hesus ang naging “Kordero ng Paskuwa” para sa lahat ng mga tao ng Diyos.  Inialay si Hesus upang maligtas ang mga tao mula sa kasalanan at kamatayan.  Si Hesus ang Kordero ng Diyos.

Kailan ipinagdiriwang?

Walang permanenteng petsa ang Pasko ng Pagkabuhay sa kalendaryong Gregoryano o Juliano, kayâ maituturing itong pistang nababago. Ang petsa ng araw na ito ay tinatakda ng kalendaryong lunisolar na katulad sa kalendaryong Hebreo. Itinakda ng Konseho ng Nicaea Ang petsa ng Paskwa bílang unang araw ng Linggo matapos ang kabilugan ng buwan matapos ang Ekinoks ng Marso. Sa patakarang pansimbahan, ang Equinox ay nakatakda sa Marso 21: sa kabilang dakò ayon sa agham ang Equinox ay kalimitang nangyayari sa Marso 20.

Sa pagkalkula sa petsa ng Pasko ng Pagkabuhay, nag-uumpisa ang simbahang Kristyano sa Marso 21 bílang panimula. Mula doon hahanapin nila ang kasunod na kabilugan ng buwan. Sa mga simbahang Ortodoks na gumagamit pa rin ng kalendaryong Juliano, ang kanilang panimulang petsa ay Marso 21 din, na sa kasalukuyan ay papatak sa Abril 3 ng kalendaryong Gregoriano. Dahil sa pagkakaibang ito, maaaring maging iba ang petsa ng Paskuwa sa mga simbahang Ortodoks at sa ibang simbahang Kristyano.

Halimbawa, sa taong 2013, ang unang kabilugan ng buwan matapos ang ekinoks ng Marso ay magaganap sa Marso 27. Kaya ang Paskuwa ay nakatakda sa susundan nitong linggo na Marso 30.

Sa taong 2014 naman, ang unang kabilugan ng buwan matapos ang equinox ng Marso ay sa Abril 15. Kaya ang Paskuwa ay nakatakda sa susundan nitong linggo na Abril 20.

 

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -