NAGING panauhing pandangal si Vice President Sara Dutere sa pagtatapos ng mga mag-aaral ng Aurora A. Quezon Elementary School sa Quezon City.

Narito ang kanyang pahayag sa kanyang opisyal na Facebook page.
“Personal nating dinaluhan noong nakaraang linggo ang Graduation Ceremony ng Aurora A. Quezon Elementary School sa Quezon City.
“Sa ating pakikipag-usap sa mga mag-aaral, muli nating ipinaintindi ang kahalagahan ng edukasyon na susi tungo sa pagbabago ng ating buhay.

“Sinabihan din natin sila na huwag kalimutang magpasalamat sa kanilang mga magulang at maging sa mga taong tumulong upang sila ay makapagtapos.
“Ibinahagi ko rin sa mga nagsipagtapos ang apat na Be’s na itinuturo ko rin sa aking mga anak, at ito ang:
Be kind
Be humble
Be happy
Be careful
“Dagdag dito ang ating paalala tungkol sa social media, health and wellness, at kahulugan ng pag-ibig.

“Sa lahat ng mga magulang, pakiusap ko, sa kabila ng mga hamong dala ng nararanasang krisis, ay patuloy nating gawing prayoridad ang edukasyon ng ating mga anak.
“Sa mga guro, maraming salamat sa inyong desisyon na manatili sa bansa upang magsilbi at magturo sa kabataang Pilipino.
“At sa ating mga nagsipagtapos, remember to walk with courage and live with purpose.
Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.”



