26.4 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

Rollback sa presyo ng langis ipatutupad simula Abril 14

- Advertisement -
- Advertisement -

INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Linggo na simula Abril 14, ipatutupad ang rollback na P20.89 sa diesel, P4.43 sa gasolina, at P8.50 sa kerosene.

“Mayroon po akong ibabalita sa inyo. Simula Martes, April 14, may malaking rollback sa presyo ng langis. MahigitP20 ang ibababa sa diesel. Ang gasolina naman, may bawas na P4.43 kada litro. At sa kerosene, P8.50 kada litro ang ibababa,” dagdag ng pangulo.

Inamin ni Pangulong Marcos na hindi sapat ang pagbaba ng mga presyong mga petrolyo subalit tuluy-tuloy ang trabaho ng pamahalaan upang maibsan ang gastusin sa biyahe, pagkain, at pang-araw-araw na pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino.

“Hindi pa ito sapat. Kaya tuloy-tuloy ang ginagawa ng pamahalaan para maibsan ang epekto nito sa inyong pang-araw-araw na buhay,” sabi ni Pangulong Marcos.

“Hindi po tayo titigil hangga’t hindi natin napapababa ang gastos sa biyahe, sa pagkain, at sa kabuuang pamumuhay ng acting mga kababayan,” dagdag pa ng punong ehekutibo.


Sinabi rin ng Pangulo na may mga dagdag pang tulong ang pamahalaan sa susunod na mga araw.

“Sa mga susunod na araw at linggo, may iaanunsyo po ako na mga dagdag na hakbang at tulong mula sa gobyerno. Hindi natin hahayaang mapabayaan ang bawat Pilipino sa gitna ng mga hamong ito,” sabi ng Pangulo.

“Kaya tuloy-tuloy ang trabaho ng pamahalaan para siguradong may mararamdaman na ginhawa ang bawat pamilya. At iyan ang tinututukan natin araw-araw,” sabi ni Pangulong Marcos. Halaw sa ulat ng Presidential News Desk

- Advertisement -
- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -