26.8 C
Manila
Biyernes, Hunyo 5, 2026

VP Sara: Ang panitikan ay hindi lamang dekorasyon, ito ay imprastraktura ng ating demokrasya

- Advertisement -
- Advertisement -

NAGBIGAY ng kanyang pahayag si Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Filipino ngayong Abril sa kanyang Facebook page. Narito ang kanyang pahayag.

“Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh

Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.

Magandang araw sa inyong lahat.

“Sa ating pagdiriwang ng Buwan ng Panitikang Filipino, dapat nating kilalanin ang isang mahalagang katotohanan: Ang panitikan ay hindi lamang dekorasyon; ito ay imprastraktura ng ating demokrasya.

“Ito ang pundasyon kung paano nananatiling tapat, matatag, at gising ang isang bansa.

Ngunit ang imprastrakturang ito ay nasa ilalim ng banta.

“Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority, halos 25 milyong Pilipino ang nahihirapan sa functional literacy.

“Ngayon mismo, may isang inang hawak ang bote ng gamot na hindi niya lubos mabasa. May isang bente-anyos na pumipirma sa isang kontratang hindi niya maintindihan.

“Ang solusyon ay nagsisimula sa ating mga tahanan. Ngayong buwan ng panitikang Filipino, hinihimok ko ang bawat magulang: Magbasa kayo kasama ang inyong mga anak. Magbasa sa Filipino, Ilocano, Hiligaynon, Bisaya —sa kahit anong wika na ginagamit ninyo sa inyong tahanan at komunidad.

“Ugaliing bumisita sa pinakamalapit na public library sa inyong syudad, munisipalidad o barangay.

“Hindi tayo makabubuo ng isang bansang mapanuri kung marami pa rin sa atin ang hirap umunawa sa binabasa. Ang bawat librong binubuksan ay hakbang tungo sa isang mas matalinong mamamayan.

“Siguraduhin nating nauunawaan ng bawat Pilipino ang mga salitang humuhubog sa ating buhay.

“Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

Shukran.”

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -