28.5 C
Manila
Sabado, Hunyo 6, 2026

Lacson, sinusuportahan ang DOE-Mandated na pag-aadjust sa presyo ng langis; binibigyang-diin ang makatarungang presyo

- Advertisement -
- Advertisement -

SINUPORTAHAN ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” MLacson nitong Martes ang hakbang ng Department of Energy (DOE) na magtakda ng fuel price adjustments, basta’t nananatiling makatarungan ang mga ito.

Ani Lacson, ang ganitong interbensyon — na pinahihintulutan ng kapangyarihan ng DOE na magtakda ng limitasyon sa price adjustments sa ilalim ng state of national energy emergency — ay mas mainam kaysa ipaubaya lamang sa mga oil firm ang pagtatakda ng presyo ng langis.

“Dapat lang gamitin ng pamahalaan ang pagdeklara ng state of national energy emergency. As long as reasonable ang gagawing computation ng DOE sa pag-adjust ng presyo – pagbaba man or pagtaas ng presyo ng pump prices, mas makakabuti sa mas nakakaraming Pilipino ang ganitong patakaran o polisiya kesa naman ipaubaya sa oil companies ang pagtatalaga ng presyo,” giit ng mambabatas.

Para sa linggong ito, nagtakda ang DOE ng minimum rollback na P24.94 kada litro para sa diesel, P3.41 para sa gasolina, at P2.00 para sa kerosene. Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, malaya ang mga kumpanya na magbigay ng mas malalaking diskwento, ngunit anumang adjustment na mas mababa sa itinakdang halaga ay magreresulta sa legal na aksyon.

Dagdag ni DOE Oil Industry Management Bureau director Rino Abad, ang mga lalabag ay kakasuhan sa ilalim ng Section 24 ng Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998, na may parusang pagkakakulong mula tatlong buwan hanggang isang taon at multang mula P50,000 hanggang P300,000.

Nagbabala rin ang DOE na maaari nitong repasuhin o bawiin ang business permits ng kumpanyang lalabag o hindi susunod sa itinakdang price ceiling.

Samantala, binigyang-diin naman ni Lacson na pinahihintulutan ng Republic Act 8479 o ang Downstream Oil Industry Deregulation Act ang DOE na pansamantalang akuin o direktang pamahalaan ang operasyon ng sinumang tao o entidad sa industriya ng langis.

“Kung tutuusin, binibigyan pa nga ng karapatan ang estado sa ilalim ng RA 8479 or Downstream Oil Industry Deregulation Act, to quote – ‘when public interest so requires, the DOE may, during the period of the emergency and under reasonable terms prescribed by it, temporarily take over or direct the operation of any person or entity engaged in the industry,’” aniya.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -