32.7 C
Manila
Biyernes, Hunyo 19, 2026

Pinuna ni Gatchalian: Karamihan sa mga Science teachers iba ang pinag-aralan noong kolehiyo

- Advertisement -
- Advertisement -

IKINABABAHALA ni Senador Win Gatchalian ang mataas na porsyento ng mismatch o hindi pagkakatugma ng subject na itinururo ng mga high school science teachers sa mga kursong kinuha nila sa kolehiyo.

Ayon kasi sa datos ng Second Congressional Commission on Education (EDCOM II), 98% ng mga Physical Sciences teachers at 80% ng mga Biological Sciences teachers ay nagtuturo ng mga subject sa labas ng kanilang specialization o pinag-aralan.

Sa Junior High School, 99% ng mga Physical Sciences teachers at 47%  ng mga Science Teachers ang kumuha ng mga kursong hindi tugma sa mga itinuturo nilang subject. Sa Senior High School naman, 98% ng mga Physical Sciences teachers, 80% ng mga Biological Sciences teachers, at 71% ng mga Science teachers ang nagtuturo ng mga subject na hindi tugma sa kanilang specialization.

Sa mga guro ng Grade 4 hanggang 6, hindi bababa sa 98% ang nag-ulat na nagtuturo sila ng mga subject na hindi batay sa kanilang kurso noong kolehiyo.

Upang tugunan ang mga hamong ito, isinusulong ni Gatchalian ang mga hakbang tulad ng teacher training at remediation para sa mga nahihirapang mag-aaral. Tinukoy niya rin ang  Senate Bill No. 1899, kung saan pinahihintulutan ang Department of Education (DepEd) na gumamit ng paraan sa pagtuturo na ituturing na pinaka-epektibo sa pagpapatupad ng basic education curriculum. Dahil dito, hindi na magiging limitado sa spiral progression approach ang paraan ng pagtuturo gaya ng unang iminandato ng K to 12 Law.  Aprubado na ang panukalang batas sa ikatlong pagbasa sa Senado.

“Kung matibay ang Science, Technology, Engineering, at Math o STEM curriculum sa ating bansa, pwede na tayong makabuo ng mas advanced pang mga teknolohiya,” ani Gatchalian.

- Advertisement -

- Advertisement -
- Advertisement -